Matteo Guidicelli, sasabak na rin sa action film

Matteo Guidicelli, sasabak na rin sa action film

Matteo-GuidicelliSASABAK NA rin sa action film si Matteo Guidicelli. Siya ang bida sa pelikulang Tupang Ligaw ng BG Productions na magsisimula nang magsyuting anytime soon. Kay Xian Lim unang in-offer ang pelikula pero dahil may existing exclusive contract ito sa Star Cinema kaya hindi niya ito puwedeng gawin.

Sabi ng supervising producer ng BG Productions na si Dennis Evangelista, umokey na si Xian at ang handler nito sa Star Magic para sa project, pero last minute, nagkaroon ng konting aberya na naging dahilan nga para hidi na siya matuloy sa Tupang Ligaw.

“Gustung-gusto ni Xian na gumawa ng action film pero dahil may respeto siya sa Star Cinema, ‘di na niya tinanggap ang project,” sey pa ni Dennis.

Masaya naman si Matteo na gagawa siya ng action film. In fact, nag-storycon na sila at nag-meeting na with Direk Rod at ng iba pang cast ng pelikula tulad nina Bangs Garcia, Rico Barrera at Paolo Contis.

In fairness, bagay kay Matteo na mag-action dahil physically fit talaga siya at nagta-triathlon pa, huh!

La Boka
by Leo Bukas