Matteo Guidicelli, pinagtripan ang mga bashers ng unboxing videos niya

LAST YEAR, nagviral ang isa sa mga unboxing videos ni Matteo Guidicelli. Uminit ang ulo ng mga gadget lovers and toy collectors sa pamamaraan ng pag-unbox ng isang mamahaling Playstation Pro 1TB. Kung para kay Matteo ay simpleng nag-uunbox lang ito ng video ng kanyang bagong ‘toy’, para sa ilang gamers and gadget lovers ay tila nakakastress ang ‘carefree’ way ng kanyang pagbukas sa laruan na siya naman ang may-ari.

Dahil nagviral ang nasabing video ay naging joke na rin ng netizens na si Matteo na ang pinaka-malupit na nagu-unbox na kebs sa mahal ng gadget. Basta mabuksan ang dapat buksan!

Matteo Guidicelli The God of Destruction ng Pilipinas is back with another unboxing video. This time, isang Playstation 5 o PS5 naman ang kanyang pinagdiskitahan. Pinunit lang naman niya with passion ang box na kinalalagyan ng bago niyang laruan at tinoss sa left and right ang mga magagamit at irerecycle.

Obviously, this is a scripted video. Mukhang in-embrace na ni Matteo ang pagiging petmalu niya sa pagunbox at siguro’y trip niya rin asarin ang kanyang bashers na masyadong sineseryoso ang pinaggagagawa niya sa vlog niya.

Kasalukuyang #3 sa trending list ng YouTube Philippines ang Unboxing video ni Matteo. Si misis Sarah G kaya kailan natin makikita mag-unbox ng isang laruan?