Matteo Guidicelli, may sariling diskarte sa pagpapakasal

Matteo Guidicelli, may sariling diskarte sa pagpapakasal

Matteo-GuidicelliMAY REAKSYON si Matteo Guidicelli sa kissing scene ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa leading man nitong si Piolo sa pelikulang Breakup Playlist ng Star Cinema. Ayon sa aktor, hindi na niya ito ikinagulat.

“Hindi na ako nagulat about that. Actually, naging masaya ako. Kasi parang she’s growing as a person and she’s growing as an artist and she wants to try different things, ‘di ba? Kaya for me, okey lang ‘yon. Whatever she wants to do for her cratf, eh, ‘di go, ‘di ba? She can make her own decisions,” sey pa niya.

Natanong din namin ang reaksyon ni Matteo sa sinabi ni Sarah na handa na siyang magpakasal kapag 32 years old na siya.

“‘Di natin alam, eh,” gulat pero natatawa niyang pahayag. “Hindi ko po alam. I mean, I’m praying for the best, I’m wishing for the best. But the first people who will know if ever I’m going to get married is my family, ‘di ba?

“I’m only 25 and siyempre I have my dreams on when I wanna get married. Pero sa akin muna ‘yon. Ayoko namang maudlot ‘yon, ‘di ba? Basta Sarah and I are doing very well, very strong right now. And I’m just praying everything will go well,” pahayag ng singer-actor.

May concert nga pala si Matteo kasama sina JC de Vera at Daniel Matsunaga sa Music Museum sa July 11 titled Dreamboys.

La Boka
by Leo Bukas