Matteo Guidicelli, malinis daw ang hangarin kay Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, malinis daw ang hangarin kay Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli, malinis daw ang hangarin kay Sarah GeronimoSA PICTORIAL shoot ng Galema, Anak ni Zuma, nakausap namin si Matteo Guidicelli at kinumpirma ng aktor na dumalo nga siya sa intimate birthday party ni Sarah nu’ng nakaraang Hulyo, kung saan ang mga nandu’n lang ay pamilya nito at ilang taong malalapit talaga sa Pop Princess.

Ikinuwento ni Matteo na kasama ang grupo na nakasama nila nang mag-show sa America si Sarah, kung saan isa siya sa naging guest. Wala namang nakikitang masama rito si Matteo, dahil ayon sa aktor, malinis naman ang kanyang intensyon, labas na ito ng trabaho, labas na ng showbizness at isa lang itong friendly gesture na kasama ang mga naging kaibigan nila sa America ay sinelebra nila ang kaarawan ng Pop Princess.

Nang tanungin namin kung nanliligaw ba siya kay Sarah ay consistent pa rin ang aktor sa sagot nito sa amin na magkaibigan lang silang dalawa.

Hiningan din namin ng reaksyon sa naging pahayag ni Jessy Mendiola, nabalitang ex-girfriend ni Matteo, na hindi siya bitter kundi better sa balitang sina Matteo at Sarah na. Agad ang naging sagot sa amin na Matteo na ‘that’s good’ at masaya siya na napunta kay Jessy ang seryeng Maria Mercedes. Alam kasi niya kung gaano ito kagusto ng dating kapareha.

ADVERTISING

Sa ngayon ay ‘di na nagkikita at nagkakausap dahil may kani-kaniyang trabaho, pero siniguro ni Matteo na ‘pag nagkita sila ay magha-hi siya rito at mag-uusap sila.

Matteo Guidicelli, malinis daw ang hangarin kay Sarah GeronimoMasaya sa role bilang Morgan sa Galema, kung saan muling makakatambal si Andi Eigenmann, na una niyang nakapareha sa seryeng Agua Bendita na ilang taon na ang nakalilipas, bukod sa excited na magkakapareha silang muli ng aktres na tinuturing niyang kaibigan ay masaya si Matteo na panibagong grupo ng produksyon ang makakatrabaho niya sa pangnunguna ng box-office director na si Direk Wenn Deramas.

 

Christian Bautista, bigo man sa pag-ibig, hataw naman sa career

 

SA NAKARAANG 2013 McJim Elan Classic Awards, The Search For The Modern Filipino Gentleman, iwas magsalita si Christian Bautista tungkol sa breakup nila ng ex-girlfriend na si Carla Dunareanu. Agad na humingi ng dispensa ang singer sa media na nagtanong sa kanya at huwag munang pag-usapan ang kanyang lovelife.

Nang tanungin kung kailan ba siya magsasalita, sumagot naman si Chrsitian na naniniwala siya na darating din ang tamang oras na ito. Ipinaliwanag na alam niya na bilang public property ay sasabihin ng marami na dapat ay maging bukas siya sa mga nangyayari sa buhay niya, pero naisip ng singer na buhay niya ito at sa ngayon ang hinihling niya ay bigyan siya ng kaunting espasyo at oras.

Nang tanungin kung bakit naituturo ang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go at ang kapareha sa seryeng With A Smile na si Andrea Torres na siyang rason daw ng breakup nila ng ex-girlfirend, ipinaliwanag naman ni Christian na hindi nawawala ang pagkakaibigan nila ni Rachelle Ann, tulad ng ibang mga kasama nila sa grupo nilang Champions. Pagdating naman kay Andrea, simple lang ang sinagot ng singer na magkasama kasi sila sa With A Smile, pero siniguro niya sa amin na hindi sila lumabas kahit kailan.

Sa tanong naman kung ano ba ang natutuhan niya sa nangyari, sumagot naman si Christian na kailangang magpokus sa kung ano ang plano ng Diyos sa iyo, matutong magtiwala sa plano ng Diyos sa iyo at maging positibo. Para rin kay Christian, anuman ang pinagdaraanan ng kahit na sino, kailangang magpatuloy ang buhay.

Bigo man sa pag-ibig, humahataw naman ang career ni Christian kung saaan bukod sa Sunday All Stars, With A Smile ay abala rin si Christian sa rehearsal ng play na Cinderella, kung saan magkapareha sila ni Karylle. Labis-labis din ang pasasalamat ni Christian sa kanyang mga tagahanga sa bansa at maging sa mga taga-ibang bansa na bomoto sa kanya kung kaya’t siya ang nanalo bilang 2013 McJim Elan Classic Awards for the Modern Filipino Gentleman, kung saan tinalo niya hindi lang ang mga artista, kundi kapwa niya singers at pulitiko.

Ang maganda pa rito bukod sa makatatanggap ng P100,000 ang World Vision na siyang napili niyang beneficiary, ang natanggap ding P100,000 ni Christian ay ibibigay rin niya sa iba pang pipiliing charitable institution.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING