Matteo Guidicelli, ‘mahal’ na ang tawag kay Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, ‘mahal’ na ang tawag kay Sarah Geronimo

Matteo-GuidicelliNGAYONG LUMALABAS na ang mga larawan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, kung saan ang pinaka-recent na kuha nila ay mahigpit na nakayakap ang aktor sa Pop Princess at magkadikit ang kanilang mga mukha, mukhang sinisimulan na ngang buksan ng dalawa ang totoong estado nila sa publiko.

ADVERTISING

Sa interview namin kay Matteo sa isang show na sisimulan niya sa ABS-CBN kung saan co-hosts niya sina Xian Lim at Dimples Romana, inamin sa amin ng aktor na kuha ito sa isang pa-dinner niya para sa mga kaibigan kung saan pinakilala na rin niya sa mga ito si Sarah.

Tinanong din namin ang tungkol sa pinost ni Direk Wenn Deramas kung saan sa pagpapalitan nila ng text messages ay nasabihan niya ng “Good morning mahal,” ang Box Office Director, na sa tingin ng iba ay si Sarah daw ang sinasabing mahal ng aktor, ‘di naman itinago ni Matteo na na-wrong send siya. At nang tanungin namin kung mahal ba ang word of endearment nila ng Pop Princess, tumatawang baka ang sagot sa amin ni Matteo.

Siniguro sa amin na malinis ang intension niya kay Sarah at ‘di siya gagawa ng anumang bagay na ikasisira ng magandang relasyon niya sa pamilya ng rumored girlfriend, sina Mommy Divine at Daddy Delfin nga ang dahilan kung bakit ‘di pa rin mabigyan talaga ng tamang depinisyon ang relasyon nila ng singer/actress.

ADVERTISING

Sa naging pahayag ni Sarah na masaya at nagpapasalamat siya kay Matteo dahil ito lang ang lalaking nagpapaalam talaga at humaharap sa magulang, para sa aktor ay mataas ang respeto niya sa mga magulang ni Sarah at pinahahalagahan niya ang tiwalang ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Para rin kay Matteo, ayaw niyang ihalo ang personal na buhay sa trabaho at gusto niyang pangalagaan ang privacy ng relasyon nila ng rumored girlfriend. Sa sinabi naman ng Pop Princess na proud at masaya siya sa relasyon nila ni Matteo, agad naman kaming sinagot ng aktor na mas masaya siya at mas proud sa kung ano ang mayroon sila ni Sarah.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING