Matteo Guidicelli, kuntento sa kung anong kayang ibigay ni Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, kuntento sa kung anong kayang ibigay ni Sarah Geronimo

Matteo-Guidicelli-Sarah-GeronimoMASUWERTE SI Sarah Geronimo sa pagkakaroon ng boyfriend tulad ni Matteo G. na super understanding. Bukod sa guwapo’t mayaman napaka-down-to earth pa ng binata. Lahat ng request ni Mommy Divine ay pinagbibigyan ng hunk actor. Maging sa dinner date nina Sarah at Matteo, nakabundot ang buong family ng singer-actress plus the alalay at bodyguard. Kailangang may approval pa sa mag-asawang Mommy Divine at Daddy Delfin ang paglabas ng dalawa bago magpa-reserve si Matteo sa isang mamahaling restaurant na hindi ma-tao. Akala mo nga raw palaging may party tuwing nagde-date ang dalawa. Wala kang maririnig na complain mula kay Matteo, tsika sa amin.

Kaya naman hindi masagot ni Matteo ang tanong namin kung nakalalabas na sila ni Sarah nang walang chaperon. Say ng actor,” I really want to answer your question. Next time na lang please…” ‘Yun na, never nagkaroon ng chance si Matteo magkasarilinan sila ni Sarah hanggang holding hands lang ang puwedeng ibigay ng Pop Princess.

Wala namang complain si Matteo, masaya na raw itong makasama at makakuwentuhan ang girlfriend na si Sarah. Kaya nga raw lalong bumilib ang dalaga sa ginagawang sakripisyo ng actor. Pagpapatunay lamang na mahal na mahal ni Matteo si Sarah. Maging ang actress ay very much in love sa kanyang boyfriend. Malinis kasi ang intensiyon niya rito, kaya kontento na ang binata kung ano ang puwedeng ibigay ng singer-actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING