Matteo Guidicelli, iwas pag-usapan si Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, iwas pag-usapan si Sarah Geronimo

Matteo-GuidicelliNANG DAHIL sa pakikialam ni Mother Divine sa love affair ng anak niya si Sarah Geronimo, lalong naging maingat ngayon si Matteo Guidicelli. sa pagsasalita tungkol sa relasyon nila ng Popstar. Umiiwas na itong magpa-interview, maging ang handler ng actor ay palaging nakabantay tuwing may press na lalapit para kunin ang side ng binata tungkol sa issue ng hindi pagkakaunawaan ng mag-ina.

Ayaw mag-comment ni Matteo about the issue. Nakikiusap ito sa media na bigyan sila ng privacy kung anuman ang real score nila ni Sarah. Ang pagkakaalam namin, may mutual understanding na ang dalawa nang mabuko ni Mother Divine. Kahit pilit na pinagbabawalan ng ina ang singer/actress na makipag-boyfriend, hindi niya mapigilan ang anak, patuloy pa rin itong nakikipagrelasyon sa lalaking tunay na nagmamahal sa kanya.

Kahit bantay-sarado ni Mother Divine si Sarah, nakagagawa pa rin ito ng paraan para patuloy ang kanilang communication ni Matteo. Manhid na nga ang dalaga sa ginagawang pang-aapi nang ina. Tanggap naman ni Sarah na sunud-sunuran siya sa bawat gustuhin ng kanyang mga magulang. Pero lahat ng bagay ay may hangganan. Kailan kaya mangyayaring ipaglalaban ni Sarah ang pag-iibigan nila ni Matteo? ‘Yan ang ating abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING