Matteo Guidicelli is very open on his admiration for Maja Salvador

ADVERTISING

 

Matteo Guidicelli is very open on his admiration for Maja Salvador

ADVERTISING

Matteo Guidicelli is very open on his admiration for Maja SalvadorNAKAKATUWA NAMAN ANG mga guys ngayon in showbiz. Kasi, very proud sila sa pagsisiwalat o pagsasabi nila ng tunay na nararamdaman para sa mga babaeng sinisinta nila.

Gaya ni Luis Manzano kay Jennylyn Mercado. At lately eh, si Phil Younghusband naman kay Angel Locsin.

At ang isang humahabol, sa walang puknat nitong pagbanggit sa pangalan ni Maja Salvador sa Happy Yipee Yehey ay si Matteo Guidicelli. Na hindi naman itinanggi na gusto nga niya ang aktres.

ADVERTISING

Kaya naman, nang matanong si Maja about it, masaya naman ang dalaga dahil kundi man niya napapanood mismo at naririnig si Matteo sa HYY eh, marami ang nagpaparating sa kanya ng mga sinasabi nito sa ere.

Kaya, ito raw ang isang katangian ng pagiging sincere at ma-effort ni Matteo na nagpapalapit lang daw lalo rito kay Maja.

Kaya, kung ide-describe ni Maja ngayon ang nangyayari sa kanila ni Matteo eh, ‘processing’. Meaning na, nasa getting-to-know-you stage nga raw sila at hindi naman nila kailangang magmadali sa mga bagay-bagay.

Kaya nga, when they go out on a date raw, eh hindi silang dalawa lang. Niyayaya nila ang mga kaibigan nila kaya hindi pa rin daw masasabing exclusively da-ting na sila.

“Puwede naman kaming mag-date na kaming dalawa lang, pero para sa amin, mas maganda na rin ‘yung gano’n na lang muna,” pakli nito.

Ang pagiging mabait, mapagmahal sa pamilya at trabaho raw ang ilan sa mga bagay na gusto rin naman ni Maja kay Matteo kaya  ang  dating nito sa kanya eh, isang inspirasyon.

Sigurado, may made-develop in the end sa ‘processing’ na dinadaanan nila sa kasalukuyan.

 

TIKOM ANG BIBIG ni Erich Gonzales, na nakasama ni Maja sa isang event recently tungkol sa isyu ng suguran sa kanila ni Angelica Panganiban na diumano’y naganap sa ASAP.

Nauna na itong pinabulaanan ni Maja at sinabi nga ng dalaga na nasangkot sa sigalot kina Angelica at Erich na nang mag-US Tour noong April ang Star Magic sa US, nagkaroon na sila ng pagkakataon ni Erich na magkausap nang masinsinan at nagkalinawan naman daw sa isang misunderstanding na naganap sa kanila, na ni hindi nila alam kung saan at ano ang pinagmulan. Sabi nga ni Maja, hindi na lang daw sila nagka-imikan ni Erich.

Kaya nu’ng nasa Amerika sila, napagtanto nila na dahil din sa paratingan ng mga salita sa kanila ng sari-saring mga tao kaya nagsisimula ang mga dating na nakakapagbigay rin sila ng biglaang mga reaksyon.

Masaya na si Maja na okay na sila ni Erich dahil sa bonding-an nila sa US. Hindi man daw ito ang talagang ka-close niya kundi si Angelica na kaibigan niya. Sinabi ni Maja na walang nangyayaring suguran sa ASAP sa dalawa. Inilarawan pa nga nito na behave na si Angelica.

At kung si Erich naman ang tatanungin sa nasabing bagay, maayos naman itong umiiwas sa mga nagtatanong sa kanya dahil pinagsabihan na raw siya ng Star Magic na huwag nang magsalita about it. Ang sabi pa nga, may ‘gag’order’ daw ang ABS-CBN kay Erich tungkol sa nasabing issue sa kanila ni Angelica.

Sa nasabing event kung saan nakita sina Maja at Angelica, sa loob ng sinehan lang namalagi si Erich, at hindi na ito dumalo sa cocktail party ng nasabing event.

Ang sabi lang ni Erich, “sa ibang presscon na lang po.”

Naku, baka matagal-tagal pa ‘yun, ha?

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING