Matteo Guidicelli, iniwan na rin ang manager

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, iniwan na rin ang manager

Matteo-GuidicelliUSUNG-USO SA ngayon ang pag-alis ng mga talent sa kani-kanilang mga manager. Unahin na nga natin itong si Aljur, na dinaan pa sa legal para lisanin ang kanyang network na GMA 7. Nandiyan si Jericho Rosales na nilisan na rin ang Genesis na pangangalaga ni Angeli Pangilinan at nasa Star Magic na nga raw ang magaling na actor/singer.

Balitang-balita rin ang pag-alis ni Zanjoe Marudo sa bakuran ni Keren Pascual, at ang latest nga ay si Matteo Guidicelli sa mabait na manager na si Joji Dingcong.

At napabalita nga rin itong si Kristoffer Martin na lilisanin na diumano ang GMA 7. Pero mukhang hindi na matutuloy dahil nga mukhang binigyan na ito ng project ng kanyang network.

At last night nga lang, may nalaman kaming isang tsika na isang young actor na gustong lisanin ang isang malaking network at gustong lumipat ng kabilang channel. Ang nanay ng young actor ang gustong magdesisyon na lumipat ang kanyang anak. Humahanap nga raw ng padrino ang mader para sa pagplanong paglipat.

ADVERTISING

May dugong artista ang young actor. Mahaba-haba ang kanyang apelyido. At ayon pa sa aming source, may kontrata pa daw ang bagets, kaya naman mukhang malabo ang kanilang gusto.

 

MASIGLA-MASIGLA PA rin talaga ang musika. At dahil diyan ay magkakaroon ng Indie Music Awards sa darating na September 8, ganap na 6 PM sa Activity Center ng Music Hall sa upper ground ng Fishermall sa may Quezon Avenue.

Ang said event ay sa pamununo ng aming bagong kaibigan at multi-awarded singer/composer na Niel de Mesa.

Masasabing big event ito dahil nga maraming indie singers ang mga nominado. Apat na album ang kanilang ilo-launch sa araw na ‘yon.

Go na kayo at tumawag sa 09179726514 for tickets and invites. Or click www. Facebook.com/NDMstudios.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING