Matteo Guidicelli, hirap makasingit kay Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, hirap makasingit kay Sarah Geronimo

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliBUKO NANG may cameo role si Sarah Geronimo sa Moron 5.2 pero maiintindihan mo ang buong cast kung ayaw nilang pag-usapan si Sarah, dahil nga hindi naman bahagi talaga ng pelikula ang Popstar Princess. Para siguro kiligin lang si Matteo Guidicelli at ang kanilang supporters kung panonoorin nila ang Moron 5.2.

ADVERTISING

At isa na rin sigurong “patikim” ang pelikulang ito para ma-test kung gaano kalakas ang tambalan nina Sarah at Matteo.

Actually, hiyang-hiya nga si Matteo sa presscon ‘pag napag-uusapan si Sarah Bebe, eh. Ramdam mong ayaw ni Matteo na makakaladkad sa promo ng pelikula ang kanyang “love of his life”, kaya kahit anong pakiusap ni Matteo sa mga naroong press ay hindi pa rin talaga mapigilang maitanong ang lagay nila ni Sarah.

Dumayalog na nga si Direk Wenn sa presscon, dahil nadulas ang direktor nu’ng masabi niyang nandu’n si Sarah sa movie, kaya iniba niya ito at ginawang, “Sarah Joy” ang nasa movie. “Actually, kung si Matteo nga, nahihirapang makasingit sa sked ni Sarah, eh. Kami pa kaya?”

ADVERTISING

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING