Matteo Guidicelli, hinihintay lang na umamin si Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, hinihintay lang na umamin si Sarah Geronimo

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliSMOOTH SAILING ang relationship ngayon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kahit wala pang pormal na pag-amin mula sa kanila. Nanatiling tahimik ang hunk actor, bitin palagi kung magbigay ng pahayag. Nauunawaan naman namin si Matteo, ayaw kasi nitong sa kanya manggaling kung anuman ang totoong namamagitan sa kanila ng Pop Princess. Palagi nitong sinasabi na ayaw niyang magsinunggaling sa entertainment press kaya ayaw niyang magsalita. He’s not denying anything. Isang araw, bibiglain na lang daw niya tayo pero hindi sa kanya manggagaling ang confirmation sila na nga ni Sarah.

Ibig kayang sabihin ni Matteo, hinihintay lang niya si Sarah na magsalita at aminin in public ang kanilang relationship. Mukha nag-give way na si Mommy Divine, tanggap na kaya nito ang actor para sa kanyang anak? Sinamahan pa nga niya si Sarah sa birthday party ni Matteo. Ipinakilala pa ng actor ang mag-ina sa kanyang pamilya. Maayos naman ang pakikitungo ng mga ito sa dalawa.

Sobrang happy si Matteo dahil tanggap ng family niya si Sarah para maging girlfriend nito. Mahirap raw kasi kung hindi boto ang parents niya sa babaeng kanyang nagugustuhan. Magkakaroon pa ng confict ang relationship nila ni Sarah kung walang approval ang family. Surprisingly, they like Sarah, tsika sa amin. Binibigyang importante ni Matteo ang kanyang pamilya dahil mahal niya ang mga ito.

Tipong matatagalan pa bago umamin si Sarah boyfriend na niya si Matteo. May pelikula pa siyang gagawin with Coco Martin at John Lloyd Cruz. Mismong si Lloydie ang nag-confirm nito. Bale Part 4, new story under Star Cinema and Viva Films. Kailangang i-promote muna ang kanilang movie, baka nga naman lumihis ang publicity at ma-focus kay Matteo kung aamin ngayon ni Sarah na dyowa na niya ang hunk actor. Abangan na lang natin ang mga susunod na kaganapan sa maintrigang love affair nina Sarah at Matteo G.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING