Matteo Guidicelli, gusto nang aminin ang relasyon kay Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, gusto nang aminin ang relasyon kay Sarah Geronimo

Matteo-GuidicelliNGAYONG NAGLABASAN na ang mga kuhang larawan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na magka-holding hands at nag-duet pa sa nakaraang birthday party ng aktor, mukhang sinisimulan nang buksan ng dalawa ang relasyon nila sa publiko.

Sa past interviews ay laging sinasabi ni Matteo na kung siya lang ang masusunod, gusto na niyang magsalita sa publiko at sabihin kung ano ang tunay na relasyon nilang dalawa ng Pop Princess. Pero sa ipinakitang gestures nina Matteo at Sarah, malinaw pa sa sikat ng araw na handa na nilang panindigan ang kanilang relasyon.

Kasama ang inang si Mommy Divine nang dumalo sa nakaraang birthday celebration ni Matteo, mukhang tanggap na rin ng pamilya Geronimo lalo na ni Mommy Divine ang relasyon ng dalawa. Si Mommy Divine ang sinasabing laging tutol noon sa sinumang makarelasyon ni Sarah. Ngayong nakita niyang magkahawak kamay sila Matteo at Sarah at nag-duet pa at ‘di naman tumutol si Mommy Divine, mukhang nakuha na ng aktor ang pagsang-ayon ng pamilya Geronimo.

Sa parte naman ng mga magulang ng aktor, mukhang botong-boto ang mga ito sa aktres. Ayon nga kay Matteo, gandang-ganda ang mga magulang niya sa nababalitang girlfriend.

ADVERTISING

Sana nga, tuluy-tuloy na ang magandang relasyon na ito nina Sarah at Matteo. Ang kailangan lang, matuto silang manindigan lalo na sa parte ng Pop Princess. Bilang mga magulang, alam namin na tanging kabutihan lang din ni Sarah ang iniisip ng pamilya niya. At sana nga ngayon, bigyan na rin nila ng buong karapatan si Sarah na magmahal at mahalin at masaktan dahil doon siya higit na matututo.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING