Matteo Guidicelli, dream come true raw si Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, dream come true raw si Sarah Geronimo

Matteo-Guidicelli-Sarah-GeronimoBAGAY NA bagay ang titulo ng pelikula ni Matteo Guidicelli na Somebody to Love under Regal Films. First movie ito ni Matteo kaya naman very memorable ito para sa kanya. At hindi halata na meron siyang pinagdaanan sa kanyang lovelife.
Kasabay kasi ng promotion ng kanyang movie ang bali-balitang hindi maganda ang sitwasyon ng relasyon niya kay Sarah.
Nagkakaroon nga raw kasi ng gap ang mga mga kapatid ni Sarah at pati ang kanyang parents dahil nga sa kanya.
Nagkukulang na nga raw ng oras o panahon si Sarah sa kanyang tunay na pamilya at puro na lang daw o madalas na sila ni Sarah ang magkasama.
Yes, selos nga raw ugat ng lahat.
Ayon sa kanya ay nangyayari raw talaga ang obstacle sa buhay ng isang tao. At masaya raw siya dahil nga okey na ang lahat.
“It’s a dream come true ang magkaroon ng isang Sarah Geronimo,” sey niya.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING