Matteo Guidicelli, dinepensahan ang paghihigpit ng ina ni Sarah Geronimo

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, dinepensahan ang paghihigpit ng ina ni Sarah Geronimo

Matteo-GuidicelliSA PAKIKIPAG-USAP namin kay Matteo Guidicelli sa nakaraang special screening ng Bekikang, consistent pa rin si Matteo Guidicelli ‘pag tungkol sa sinasabing espesyal na relasyon nila ni Sarah Geronimo ang pinag-uusapan. Pero kahit papaano ay napiga namin ang aktor.

Sa tanong namin kung may katotohanan bang boto raw ang butihing ina sa Pop Princess, ayon kay Matteo ay ‘di pa sila nagkakausap ng kanyang mommy tungkol dito. Pero sana, dahil maganda kung marunong ang bawat tao na gumusto sa ibang tao dahil bawat isa ay karapat-dapat namang irespeto at pahalagahan.

Nagkasama sila ni Mommy Divine sa America nang magkaroon ng show roon si Sarah, kung saan isa siya sa special guest, kuwento ni Matteo ay naging maayos naman ang lahat. Para sa aktor, cool ang pamilya ng singer/actress at katulad ng ibang pamilya ay gusto lamang ng mga ito ang best para sa anak.

Sa tanong kung ano ang masasabi niya sa sobrang paghihigpit daw ni Mommy Divine kay Sarah, dinepensa naman ni Matteo na lahat ng ina ay istrikto pagdating sa kanyang anak dahil maging ang kanyang ina ay istrikto rin kung saan ang ikabubuti ng kapakanan ng anak ang iniisip ng mga ito.

ADVERTISING

Bukas pa rin sa pagsasabi na hinahangaan niya at alam naman ni Sarah na ang mga nagustuhan niya rito ay ang pagiging malinis ng puso nito, ang pagiging matatag at ang kabutihan ng kalooban ng singer/actress, nang hingan namin ng reaksyon kung ano ang masasabi niya sa naging pahayag ni Sarah na masaya ito sa kung anumang bagay ang mayroon sila, sumang-ayon dito si Matteo kung saan ayon sa aktor ay masayang-masaya rin siya sa lahat ng mayroon sila ni Sarah bukod pa sa masaya siya sa consistent high ratings ng Galema.

Matteo-Guidicelli-Sarah-Geronimo

NAPAKALAPIT NG puso ni Charice sa probinsya ng Bohol kung kaya’t nang alukin sa kanya na magkaroon ng benefit show para maglikom ng pondo para sa mga naging biktima ng lindol, hindi nagdalawang-isip ang international singer.

May titulong ‘One Voice’ na ngayong Nov. 5 na at gaganapin sa Newport Resorts World Hotel, ilan sa mga magiging special guests ni Charice ay ang kasintahang si Alyssa Quijano, ang grupong Sassy Girls, at ang rapper na si Abra.

Naging bukas naman si Charice na isang linggo bago naganap ang lindol ay sinelebra nila ni Alyssa ang kanilang first anniversary sa nasabing probinsya. Nagustuhan agad ni Charice ang katahimikan ng Bohol at nabaitan siya sa mga Boholano kung kaya’t may plano nga siya na rito siya bibili ng kanyang retirement house kung saka-sakali.

Sasama si Charice  sa pamamahagi ng relief goods sa mga Boholano, matagal na namang tumutulong si Charice sa mga kababayan nating nasasalanta ng mga kalamidad ngunit ngayon lang siya naging bukas tungkol sa ginagawang pagtulong.

Sa nasabing presscon, ‘di rin itinago ni Charice na ‘di pa sila nagkakausap ng kaniyang ina na si Mommy Racquel, kung saan magkalapit lang pala ang kanilang tintirihan sa Laguna. Hanggang sa ngayon, alam ng singer na ‘di pa rin tanggap ng ina ang relasyon nila ni Alyssa sa kabila ng naniniwala siyang darating din ang panahon na matatanggap nito ang kasintahan dahil pamilya pa rin sila.

Siniguro na magpapadala siya ng mga regalo sa ina at sa kapatid na si Carl sa darating na Pasko, pero kung dadalaw ba siya sa bahay nila ay ‘di pa sigurado si Charice dahil ayaw niyang mapahiya at ma-reject muli dahil kilala niya ang ina.

Inamin naman na may balak pakasalan si Alyssa sa ibang lugar kung saan tanggap ang kanilang relasyon, ramdam na ramdam namin ang malalim na pagmamahal ni Charice para sa kasintahan at ang kaligayahan nito na nagpakatotoo na siya sa kanyang sarili at damdamin.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING