Matteo Guidicelli, ‘di umaasang manonood si Sarah Geronimo sa kanyang concert

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, ‘di umaasang manonood si Sarah Geronimo sa kanyang concert

Matteo-GuidicelliPARA SA actor, model and racer na si Matteo Guidicelli, singing is something he loves to do outside his comfort zone.

ADVERTISING

“It’s like participating in an extreme sport, exciting and nerve-wracking, yet fulfilling,” sabi pa niya. Kaya naman masayang-masaya ang binata na matutupad na ang dream niya na magkaroon ng solo concert.

Pagkatapos ng concert niya with Daniel Matsunaga and JC de Vera na Dreamboys, Matteo goes solo in his first solo concert entitled MG1 on November 28, 2015, 8 p.m., at the Music Museum.

Magiging special guests niya rito sina Morisette ng The Voice first season at ang Concert King na si Martin Nievera.

ADVERTISING

Strike while the iron is hot ang drama ngayon ni Matteo at naniniwala siyang this is the right time for him to pursue his passion in singing apart from his usual extreme life as a triathlete and actor.

Samantala, inamin ni Matteo na medyo kinakabahan siya at excited sa MG1 concert. Dapat daw abangan ang mga ballad songs, medleys, at surprise production numbers kasama ang special guests niya sa kanyang concert.

Kung manonood si Sarah Geronimo sa concert, hindi pa sure ang binata. Baka raw, kapag hindi busy ang girlfriend.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING