Matteo Guidicelli, ‘di type ang mestisahin

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, ‘di type ang mestisahin

Matteo-GuidicelliNGAYONG KALIWA’T kanan ang usap-usapan tungkol sa tunay na namamagitan kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, hangga’t maaari ay ayaw nila parehong pag-usapan ang isa’t isa. Kapag natatanong ng showbiz press individually, ano nga ba talaga ang tipong babae ng binata?

“I guess I like the simple, the better. You dont have to be smart with books. You have to be smart in life. You have to have an open mind. Do the things you want. Talented,” sagot ng g’wapo at matipunong si Matteo nang maka-tsikahan namin ito sa Belo pictorial recently.

Sabi nga namin sa kanya, parang hindi siya mahilig sa Tisay, dahil nang una n’yang makapareha si Andi Eigenmann sa teleseryeng Agua Bendita sa Dos, hindi man lang yata sila na-issue na nagkagustuhan, habang naunsyami naman o hindi natuloy na mag-blossom ang inaakala ng lahat na romance sa pagitan nila ni Jessy Mendiola na isang napakaganda at mestisa rin.

“Kami ni Andi sobrang close. Marami nga ang mga tao na nagsabi na, Matteo, hindi kayo nagka-developan ni Andi? Ewan ko, sabi ko. Kami ni Ands, we’re very close, ‘yung level na talagang  parang sinasabi namin lahat sa isa’t isa tapos wala kaming malisya sa isa’t isa. Gano’n,” k’wento ng young actor sa naging relasyon nila ng young actress.

ADVERTISING

Hindi naman daw sa hindi mahilig sa Tisay na babae si Matteo. Pero more than that, heto ang ilan sa mga katangian na mas gusto n’ya sa isang babae na nais n’yang maging kasintahan: “Mas gusto ko nga Pinay, eh. My ideal girl is somebody I can really trust. That’s the most important thing. Somebody that will love me back as much as I love them. Hindi, I want somebody that if I really love them, they give me back the same love or even more. Parang gano’n.”

Matteo-GuidicelliHow about physically? “Wala. I don’t ano… Basta they have a good heart and they’re good people. Kasi I don’t really have one type, eh. Kumbaga, long hair, gano’n, long legs, walang ganyan. Basta mabait sila sa puso,” nakangiting pagsisiwalat ni Matteo.

Generally, sobrang saya raw ni Matteo ngayon, dahil napapaliguran daw s’ya ng mga positibong tao. Kaya s’ya nai-inspire na marahil ay kasama na si Sarah sa mga ‘yon, kahit hindi n’ya aminin.

Natutuwa rin daw ang s’ya sa taas ng ratings na nakukuha ng Galema at sa dami ng blessings na natatanggap n’ya, gaya ng The Biggest Loser kung saan kasama n’ya si Iza Calzado na ipalalabas na sa January next year. Although, hindi pa rin daw sila tapos mag-taping nito.

Ang malapit na raw matapos ay ang shooting ng kauna-unahang indie film na ginagawa ni Matteo ngayon para sa Cinema One Originals entitled Saturday Night Chills na ipalalabas sa November.

Makakasama raw ni Matteo sina Rayver Cruz at Joseph Marco sa direksyon ng direktor ni Jericho Rosales sa indie film din nitong Alagwa.

Medyo Hang Over daw ang peg ng pelikula nila. Mga naghahanap silang tatlo ng trabaho at puro iligal ang kanilang nga pinaggagagawa. Ibang-iba raw ang mga characters nila rito, dahil sobrang bad boys sila.

Wala raw silang leading ladies this time.

 

BELATED HAPPY bithday to Direk Maryo J. Delos Reyes na nag-celebrate ng kanyang simpleng kaarawan sa pamamagitan ng isang intimate dinner last Friday night sa Victorino’s restaurant sa may Jamboree Street sa Quezon City na pagmamayari ng pamilya ng asawa ni Dina Bonnevie.

Ang mga nakisaya sa special day ng mahusay na direktor ng serye ni Heart Evangelista ngayon sa GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-ibig? ay ang mga tunay na kaibigan nito sa mundo ng showbiz noon at ngayon na sina Direk Bobot Mortiz, Manila City Councilor Yul Servi, Neil Ryan Sese, Movie Queen Miss Gloria Romero, Tita Luz Valdez, Mother Lily Monteverde, Senedy Que, Jake Tordesillas, Kapuso executives Redgie Acuna-Magno, Lilybeth Rasonable, Marivin Arayata, Tita June Rufino, Tita Ethel Ramos, at ang inyong lingkod.

Sayang, hindi nakarating ang ilang mga bossing ng Kapamilya Network, gaya nina Tita Cory Vidanes at Tita Linggit Tan na very good friends daw ni Miss Lilybeth, dahil sa kanilang previous commitments.

 

PERSONAL: BELATED happy birthday to the First Lady of Quezon City and beloved partner of Mayor Herbert Bautista na si Miss Tates Gana (October 16), Mrs. Emy Maristela-Gopez ng Bamban, Tarlac at Mandaluyong (October 20), at sa premyadong aktres na si Tita Gina Pareno kahapon, October 20.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING