Matteo Guidicelli binalikan ang Scout Ranger training camp pagkatapos ng isang taon

Leo Bukas

BINALIKAN ni Matteo Guidicelli ang Scout Ranger Camp na kanyang dating training grounds isang taon pagkatapos niyang maka-graduate bilang 2nd lieutenant  army reservist sa ilalim ng Philippine Army noong 2019.

Sa muli niyang pagbisita sa ranger camp ay nakilala niya ang bagong regiment commander. Pinuntahan din niya ang regular classes ng mga nagti-training na scout rangers.

Matteo Guidicelli binalikan ang Scout Ranger training camp pagkatapos ng isang taon
Matteo Guidicelli

Naka-dokumento ang ginawang pagbisita ni Matteo at  mapapanood ito sa kanyang two-part na “Visiting the first Scout Ranger regiment after a year! (episode 1) at “Inside the Regular Scout Ranger Course with a general’s son! No special treatment” (episode 2).

Ibinahagi rin ng mister ni Sarah Geronimo sa kanyang vlog ang mga bagay natutunan niya habang nasa training camp.

“It’s been a year na hindi ako nakabalik dito sa First Scout Ranger regiment here in Camp Tecson, Bulacan. Because one, of the pandemic and secondly, obviously you guys know that I got married and alam natin kapag nagpakasal tayo, magbabago ang buhay natin in a very, very good way.

“So our priorities has changed a little bit. That’s also precisely why I give so much respect to people like Major Oropel. All of these guys, all of these officers and lister personnel, they all have families, they’re all married and have kids and at the end of the day, they have to prioritize their duty first in serving and protecting the Filipino people and land.

“I always say to myself, ‘I wish I could be like them but I know I’ll never be like them because just the level of dedication, respect, and love, and commitment to the country, iba,” lahad pa niya.

Sa muling pagdalaw ni Matteo sa training camp ay nakilala niya ang isang anak ng heneral na hinangaan niya raw nang husto.

“Ito yung tunay talaga. He is the son of a general but kumbaga there’s no special treatment. They’re treating him just like how they’re treating everybody out there.

“His papa was the Commanding General of the Philippine Army but he’s here, he’s doing his thing. And then he’s going to be a Ranger hopefully,” kuwento pa ng singer-actor.