Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo engaged na!

ADVERTISING
Leo Bukas

NASA PRESSCON kami kagabi, Nov. 7,  ng pelikulang Adan ng Viva Films nang biglang bumulaga sa Instagram post ni Matteo Guidicelli ang pictures nila ng girlfriend na si Sarah Geronimo kung saan kitang-kita suot ni Sarah ang diamond engagement ring.

Patunay lang ito na finally ay nag-propose na si Matteo sa kasintahan pagkatapos ng halos limang taon nilang relasyon.

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo engaged na!
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Maraming netizens din ang kinilig sa caption ni Matteo na, “I love you my love, now and forever.”

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo engaged na!
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Kaagad namang dumagsa ang pagbati sa comment box ni Matteo na nagko-congratulate sa kanilang dalawa. Wala namang ibinahaging detalye si Matteo kung kailan nila balak magpakasal ni Sarah.

ADVERTISING