Matteo Guidicelli at Enchong Dee, umatras sa appearance sa Palarong Pambansa

ADVERTISING

Matteo Guidicelli at Enchong Dee, umatras sa appearance sa Palarong Pambansa

Enchong Dee and Matteo Guidicelli
Enchong Dee and Matteo Guidicelli

How true ang chikang nagtatampo ang Palarong Pambansa organizers sa ABS-CBN Sports dahil hindi na tuloy ang participation nina Matteo Guidicelli at Enchong Dee sa nasabing national sports event ng young athletes?

ADVERTISING

Nai-commit na raw sina Enchong Dee at Matteo Gudicelli sa nasabing event, pero hindi na raw ito matutuloy. Marami pa namang fans ang naghihintay sa dalawang athletic actors.

Baka naman nagkaroon lang ng conflict sa schedule? Alam n’yo naman ang dalawang ‘yan, medyo busy rin sa kanilang career lalo na si Matteo na kasama sa top-rating teleserye na “Dolce Amore”.

Anyway, excited na si Albay Gov. Joey Salceda bilang host ang nasabing probinsiya sa 2016 Palarong Pambansa na dadaluhan ng mahigit 14,000 athletes.

ADVERTISING

 

Pandi Mayor Enrico Roque
Pandi Mayor Enrico Roque

Pandi Mayor Enrico Roque, ayaw na kay Kristine Hermosa; si Angel Locsin na raw ang type

 

WITH SEEMING hesitation ay napasagot na rin si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque sa tanong kung sino ang mga naging crush niya sa showbiz.

“Dati si Kristine Hermosa ngayon si Angel Locsin. Alam naman nila ‘yan,” say ni Mayor Enrico  nang mainterbyu namin sa Casa Grande office niya katapat lang ng Amana Waterpark Resort.

Mayor Enrico admitted that it greatly helped na kahit paano ay kilala na ang Pandi, Bulacan dahil sa Amana Waterpark Resort.

“Nagsimula ang Amana with 7 hectares. Nag-ground-breaking kami noong August 8, 2008. Actually, iyon ang isa sa pinakamaganda na turning point dito sa bayan ng Pandi. Kasi kapag sinasabi ko na parating na ang kaunlaran sa bayang ito, lahat ng tao nagtataas ng kilay, ‘si mayor ambisyoso’. Normal lang naman ‘yun, eh. Kung hindi ba naman ako ambisyoso, birun mo, palayan ‘yun at bulubundukin dati, pero ngayon resort na, ‘di ba?” paliwanag ni Mayor Enrico.

Now, may expansion na ang resort. From 7 hectares ay naging 15 hactares na ito. At click na click sa mga bagets ang Minions swimming pool. Meron ding tatlong ostriches na nasa resort na kinagigiliwan din ng mga bata.

Ayon kay Mayor Enrico na tumatakbong mayor uli, hindi niya alam kung ano ang ipapangalan niya noon sa resort.

“One time nanonood ako ng series sa channel 2, basta adaptation iyon ng isang Koreanovela. Basta ano ‘yun, eh, parang kauna-unahang serye nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Merong resort na pag-aari doon ang bida, Amana ‘yung pangalan. Nagustuhan naman nila (investors). Sabi nila, siguro ‘yan pamana, ama at ina dahil mapagmahal ako sa nanay ko at ama. Isang lugar din ‘yan sa Bible na nagsu-supply ng malinis na tubig sa isang community,” paliwanag pa ng butihing mayor na last term na ngayong election.

Ang isa pang close kay Mayor Enrico ay si Phillip Salvador na lahat ng movies ay kanyang pinanood.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING