Matteo Guidicelli, ‘di marunong mag-Ingles!

ADVERTISING

Matteo Guidicelli, ‘di marunong mag-Ingles!

Matteo Guidicelli, ‘di marunong mag-Ingles!NINAKAWAN ANG BAHAY nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Hancock Park sa Los Angeles noong September 16.

Sa nabasa naming report sa website na aceshowbiz, may dumating na mga pulis pero hindi pa makumpirma kung anu-ano ang nanakaw sa bahay ng Pambansang Kamao na kasaluku-yang busy sa pag-eensayo para sa nalalapit na laban nila ni Juan Manuel Marquez sa November 12. Kinokontak pa nila si Manny na kasalukuyang nasa Maynila para sa kanyang ensayo.

Sa report naman ng News5Aksyon, kinumpirma ni Manny na nilooban nga ang bahay niya sa US, pero kino-consider pa rin daw ng pound for pound boxing king na safe pa ring manirahan sa US sa kabila ng pangyayari.

 

ADVERTISING

MUKHANG KAILANGANG MAG-ARAL ni Matteo Guidicelli ng tamang paggamit ng salitang Ingles.

Nasabi namin ito nang makita namin ang post-it messages photos na gawa ni Matteo para suyuin si Maja Salvador matapos na sila ay magkaroon ng major na away. Nai-post kasi sa darlasau-ler.com ang mga ito kaya naman kitang-kita ang lapses ng aktor sa paggamit ng English language.

Kitang-kita namin ang pagkakamali ni Matteo sa ilang messages niya like your loving, your so generous, your always here for me, your sweet, your funny.

Siguro sa labis na pagmamadali ay hindi na nagawang itama ni Matteo ang kanyang mga salita sa post-it messages.

Pero kung iisipin mo, consistent naman ang kanyang paggamit ng ‘your’ imbes na ‘you’re’.

 

MAY BAGONG PALABAS ang TV5, ang Anggulo hosted by Luchi Cruz-Valdez.

Napanood namin ang initial episode nito na nagtampok kay Jinkee Pacquiao. Nakulangan kami sa initial episode nito dahil parang all there is to it ay ang marangyang pamumuhay ng mga Pacquiao.

Ipinakita kasi ang magarbong mansions, luxury bags, magagarang kotse at mga businesses ng mga Pacquiao. Although the show tried to be a little bit controversial by asking questions not normally asked from a celebrity, hindi pa rin nagawang ma-ging matapang ng show. Actually, nadulas lang si Jinkee nang masabi niyang sana hindi na maulit ang pagkakaroon ng anak ni Manny sa ibang babae but she tried to correct it when she said na iyon ay ayon sa mga tsismis.

Sana sa susunod na episode ng Anggulo ay mag-feature sila ng talagang matapang na personality who will not mince words. That, to us, will be a new angle in news and public affairs show.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING