Matteo Gudiecelli, iginiit na walang problema sa relasyon nila ni Sarah Geronimo

ADVERTISING

09Matteo Gudiecelli, iginiit na walang problema sa relasyon nila ni Sarah Geronimo

Matteo-GuidicelliWALANG ANUMANG problema sa relasyon nila ni Sarah Geronimo. Ito ang kampanteng sinasabi ni Matteo Guidicelli sa mga nagtatanong kung totoong nagkakalabuan na sila ngayon.

ADVERTISING

Marami kasi ang naiintriga nang mag-guest ang Popstar Princess kasama ang leading man niya sa The Breakup Playlist na si Piolo Pascual sa Gandang Gabi Vice noong Linggo ng gabi. Natanong siya ni Vice kung may problema ba sa kanila ngayon ng boyfriend niyang si Matteo.

Nasabi ni Sarah na hindi naman daw talaga mawawala ang trials sa isang relasyon. Dahilan para mag-isip ang lahat na baka may pinadaraanan nga sila ni Matteo ngayon.

Guest din si Matteo sa episode na iyon ni GGV. Nag-opening sila ni JC de Vera kaugnay ng promo ng concert nilang Dreamboys sa Music Museum sa Sabado, July 11. Nakapagtataka na hindi sila nagkita doon ni Sarah samantalang sa sumunod na gap ay sina Sarah at Piolo na ang lumabas. “Unfortunately, we didn’t see each other,” ani Matteo. “We had busy schedules. After that, I went straight to Banana Split.”

ADVERTISING

Hindi raw dapat isipin na hindi sila nag-uusap ni Sarah. At ikonek ito sa nasabi ng singer-actress na lahat naman daw ng relasyon ay may pinagdaraanang trials. “Siyempre every relationship has its own challenges and all.”

Are they going through challenges now?

“I guess all the time, there’s little stuff going through. But okey naman, everything is fine. Everything can be fold for. And everything can be okay.”

Nakakaintriga rin na ang kinanta pa nila ni JC ay Steal My Girl. Tapos may nabanggit siya kay Vice na… no one can steal my girl. May ibig bang sabihin ‘yon? Pinariringgan ba niya si Piolo na sinasabing crush ni Sarah?

“A… hindi. Piolo is a good friend. And we (sila ni JC) just did the song Steal My Girl. And totoo naman, e… I always tell Sarah she’s so beautiful. Everybody has a crush on her. She doesn’t believe. I tell her everyday she’s very beautiful. She ha to know it, ‘di ba?”

Are there guys trying to steal Sarah from him? “Hindi po naman!” sabay tawa ni Matteo.

How is he and Sarah today? “We’re fine. We’re fine. We’re very good. And… we’re okay. I’m very, very proud. I tell her all the time everyday… I’m very proud of her. And I think she’s gonna get there to becoming better and better every single day. More… more independent.”

Excited daw si Matteo habang pinaghahandaan ang Dreamboys concert nila nina JC de Vera at Daniel Matsunaga na gaganapin sa Music Museum ngayong Sabado, July 11. Special guests nila sina Erich Gonzales and KC Tandingan.

“Basically we’ll be doing a lot of medleys like Randy Santiago medleys, Rico Puno, Eraserheads… a lot of OPM stuff and we placed it all together. We’re gonna make it very interactive with the audience itself.”

Manonood ba si Sarah? “I don’t know, I think she has work or something. But I hope.”

Is he ready for a surprise? Malay niya kung surpresahin siya ni Sarah at manonood pala ito?

“You can never be ready for a surprise!” sabay tawa ulit ni Matteo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING