Matteo Gudicelli, madalas pagtripan

ADVERTISING

Matteo Gudicelli, madalas pagtripan

Mateo-GuidicelliPALIBHASA PINAKA-BATA sa grupo ng Moron 5.2 The Transformation si Matteo Guidicelli kaya’t madalas itong i-play time nina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano and Billy Crowford. Minsan nga raw nag-drama ang mga ito na kunwari sinisisi ang binata sa nangyari kay Billy dahil magkasama silang dalawa bago nangyari ang controversial issue na kinasangkutan ng singer/actor. Madali siyang napaniwalang galit nga sa kanya ang mga ito. Muntik na nga raw umiyak ang dyowa ni Sarah Geronimo.

Kuwento ni Matteo, “Hindi naman masyado (iyakin). Sensitive nga lang tayo sa mga bagay-bagay lalo na sa kaibigan at sa taong mahal mo. Siyempre, ako ‘yung bago sa grupo kaya kahit ano ang sabihin nila, maniniwala talaga ako. So, pinagti-tripan nila ako palagi. Pero katuwaan lang, wala lang, masaya naman kami. Binibiro lang nila ako, hindi naman ako umiyak. Nalungkot ako siyempre kasi sinasabi nilang ako ang may kasalanan kaya nangyari ‘yung kay Billy. Sabi nila galit raw sa akin si Billy, totoo ba ito? Pero later on sinabi nila sa akin, binibiro lang nila ako. Right now, tinatawanan na lang namin ‘yun. Hindi ako pikon, kapag pikon, talo.”

Sobrang saya ng Moron 5 habang ginagawa nila ang pelikula. Para nga raw silang naglalaro lang sa set. Na-build up na ang friendship nina Matteo, Luis, Marvin, Billy at DJ. Para na nga raw magkakapatid ang turingan nila sa isa’t isa at ang Tanging Ina nila ay si Direk Wenn Deramas. “Naging magkakaibigan kami rito especially si Luis, naging close na kami.”

Obvious namang very much happy ngayon si Matteo, sunud-sunod ang movie project plus may Sarah G., tunay na nagmamahal sa kanya ng totoo. Kahit sabihin pa nating kontrabida si Mommy Divine sa kanilang pagmamahalan, deadma lang ang binata. Ayaw nitong mag-comment baka nga naman ma-misinterpret pa siya.

ADVERTISING

Say ni Matteo, “Masaya po ako ngayon. Pero marami pa tayong pangarap sa buhay. It can’t happen overnight. It take time, months, years, whatever… We have to work hard for every thing…”

Ang importante, naiintindihan ni Matteo ang sitwasyon nila ng Pop Princess. “Kapag may time, we just hang-out, dinner together sa labas,” aniya. Hindi na sinagot ni Matteo kung kasama nilang lumabas si Mommy Divine or bodyguard ng dalaga.

Tulad ni Luis Manzano at Angel Locsin. Ayaw rin ni Matteo na gumawa sila ng movie ni Sarah together. “Honestly, No. Hayaan natin siya sa kanyang career, I’ll do mine. I really don’t care, hindi kami makagawa ng movie together.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING