Matt Evans, satisfied no more with ABS-CBN?

ADVERTISING

Matt Evans, satisfied no more with ABS-CBN? Matt Evans, satisfied no more with ABS-CBN? MUKHANG SA KANGKUNGAN na nga pupulutin ang show ni Willie Revillame. Ang dami na ka-sing advertisers ang nag-pull-out ng kanilang ads. Parang more than 50% na yata ng nagpe-place ng ads sa Willing Willie ang nagpakita ng disgust sa show ni Willie sa pamamagitan ng pagtanggal ng kanilang TV ads. Sabi naman ni Willie, magsasakri-pisyo siya nang husto. Kung kinakailangang sa kanyang sariling bulsa manggaling ang perang papremyo sa kanyang show ay gagawin niya para makatulong sa mahihirap. Tingan nga natin kung kaya niyang gawin iyan sa kanyang pagbabalik sa show after ng Holy Week. At parang tumapang nang husto si Willie ngayon. Nagbanta pa siyang magdedemanda ng mga celebrities na umatake sa kanya sa Twitter. May ganoon siyang drama. Ang mga pinangalanan naman niyang celebrities ay umalma. Ni hindi natakot. “I was within my rights to comment and express my opinion. I mean, we live in a democracy,” sabi ni Lea Salonga sa interview sa kanya sa TV. Nabasa namin ang tweet ni Lea na parang may pinatatamaan. Sabi niya sa Twitter noong April 10, “No one is immune from criticism, not even our President. Kung Pangulo nga binabatikos araw-araw, at kinakaya niyang tiisin, tayo pa kaya?” Hindi naman affected si Agot Isidro na isa sa bumatikos kay Willie, sa pahayag ng TV host sa kanyang programa kung saan tinanong pa niya si Agot kung bakit ito nagre-react gayong wala naman itong anak. “Thank you for  the  outpou-ring of support. I am A-ok! Don’t worry about me. Du’n lang tayo sa tama,” tweet ni Agot. Malaman ang pasaring ni Mylene sa Twitter. Sabi niya, “I will not be bullied. I will not threatened. Sticks and stones may break my bones but your words will never hurt me.” Isa pang malaman ang naging mensahe sa Twitter ay si Aiza Seguerra na pinagsabihan ni Willie sa kanyang programa na “magpakalalaki ka”. “Hugas kamay. Patay mali. Ano ba yan,” tweet ni Aiza. Pero ang pinakamalaman para sa amin ay ang sagot ni Jim Paredes. “How can a laos, old, over the hill guy like me destroy a sikat, power-ful, rich Superstar like Willie? He did it all by himself,” tweet niya. NATANONG SI VIC Sotto kung package deal sina Jose Manalo at Wally Bayola sa bawat pro-ject niya. Kasama kasi niya ang dalawa sa latest movie niya, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak kung saan leading lady niya si Bea Alonzo. Balik-Star Cinema ang komedyante sa movie niyang ito. “Matagal ko nang tinatago ‘yung dalawang ‘yan, eh nakakawala. Ilang beses ko nang nilagay sa sako ‘yan, pero ang lakas ng pang-amoy,” pagbibiro ni Bossing Vic. “Hindi naman package deal. Sa comedy kasi, it’s always group effort. Mahirap mag-comedy na nag-iisa kaya nga hindi ako naging stand-up comedian, eh. I’m a situa-tional comedian. I’d rather act to a situation. Dapat kasi team effort. Kung sa basketball, kung wala kang kakampi hindi mo kayang ipanalo ang game dahil nag-iisa ka, eh. Kailangan mo ng kakampi, kailangan mo ng mapapasahan, shooter, taga-dribble at ‘yan naman ang maaasahan ko dito sa dalawa. Magagaling na team players sila. Tapos ‘pag natatabi pa ako parang pumopogi ako,” esplika ng komedyante. NATSITSISMIS NA LALAYASAN na rin daw ni Matt Evans ang Dos. Sa ngayon kasi ay walang project itong si Matt matapos na magbida nang ilang beses sa ABS-CBN. Tila napabayaan na siya kahit na ilang beses na rin naman niyang napatunayan na kaya niyang magdala ng show. Mukhang hindi nakatulong kay Matt ang kanyang haircut. Magmula kasi nang ipatanggal niya ang kanyang kulot ay tila nawalan na siya ng appeal at hindi na siya muling napansin ng Dos. Sa’n naman kaya lilipat itong si Matt, sa Singko o sa Siyete? Ang tanong, may offer ba naman sa kanya sa alinmang network? Tama lang para sa amin na maghanap na ng ibang network si Matt. Anyway, kung ayaw siyang bigyan ng project ng Dos, mayroon pa namang ibang network na puwede niyang puntahan. May achievement na naman siya as an actor, eh. Lex Chika by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING