Mataray na beteranang choreographer, ‘di umubra sa mas mataray na head writer ng weekend variety show

ADVERTISING

KILALANG MATARAY ang beteranang TV choreographer na ito, pero hindi umubra ang kanyang katarayan sa mas mataray pa palang head writer ng isang weekend variety show.

Hindi station-produced ang programang ‘yon, kung saan halos lahat ng mga inimporta nitong staff ay galing sa istasyon kung saan ito umeere, maliban sa punong-manunulat na matagal nang katrabaho ng main host nito.

ADVERTISING

Palibhasa galing sa kabilang istasyon na may kakaibang disiplina, karamihan sa mga staff ay hindi niya kasundo, isa na nga rito ang pamosong tagapagturo ng sayaw.

Reklamo ng choreograpger, nang makasalubong daw niya ang umaastang boss ng programa papasok ng studio at akmang babatiin, nagdayalog daw ito ng, “Huwag mo akong aabalahin!” sabay tabig sa kanyang mukha nang malapad nitong palad.

Imbiyerna tuloy ang feeling nabastos na TV choreographer na itago na lang natin sa alyas na Pauleen U. Henyo.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING