Mataray na aktres, bawal inglesin sa preskon?!

KINSA SIYA? HINDI pa masyadong matagal ang kuwentong ito tungkol sa isang sikat na mataray na aktres na umano’y Tagalog lang ang dapat itanong sa kanya sa mga presscon dahil hindi siya masyadong marunong mag-English.

Ayon pa sa aking source, sa isang event kung saan ini-launch sila ng iba pang mga endorsers ng isang produkto, todo-English ang female host ng event, asking ng kung anik-anik sa ibang endorsers in English tungkol produktong ineendorso nila.

Kapag ang tatanungin ay ang mataray na aktres, nagtataka ang press people kung bakit may-I-Tagalog na ang female host. Natural na Tagalog din ang sagot nitong mataray na aktres. Asking na naman itong female host sa iba pang endorsers, in English pa rin ang kanilang mga sagot. Kapag ang mataray na aktres na, Tagalog na naman ang question sa kanya!

Ni-require ba ng management ng mataray na aktres na bawal siyang Inglesin sa presscon at baka hindi niya masagot ‘yon fluently?

Naku, may history itong mataray na aktres sa mali-maling pag-i-English!

(By Arniel Serato)

Previous articleP100 thou na hada, tinanggihan ng dalawang aktor!
Next articleSheena Halili, Won’t Go Topless Because She’s Still A Virgin?

No posts to display