Matapos okrayin noong eleksiyon
Sen. Nancy Binay, gustong i-guest sa comedy show ni Vice Ganda

ADVERTISING

<i>Matapos okrayin noong eleksiyon</i><br>Sen. Nancy Binay, gustong i-guest sa comedy show ni Vice Ganda

<i>Matapos okrayin noong eleksiyon</i><br>Sen. Nancy Binay, gustong i-guest sa comedy show ni Vice GandaMATULOY PA kaya ang narinig namin noon na matapos ang eleksyon nu’ng may 12 at manalo si Nancy Binay bilang senador na planong i-guest ito ng business unit head ng Gandang Gabi Vice na si Lui Andrada sa nasabing show ni Vice Ganda?

After the election kasi ay nagbakasyon muna raw si Sen. Nancy upang makapagpahinga hanggang sa maging busy na ito sa kanyang pagbalik sa bansa. Kaya hindi pa rin yata nito napapaunlakan ang imbitasyon sa kanya ng production ng Sunday night show ni Vice na very much willing makapanayam ang senadora sa kabila ng naging issue sa kanilang dalawa bago mag-eleksyon.

Sana nga, bukas din ang panig ni Sen. Nancy na mag-guest sa naturang show ni Vice na tiyak na marami ang tututok sa episode na ito at magte-trend worldwide.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING
ADVERTISING