Matapos maudlot kay Bea Alonzo Gerald Anderson, ‘di pa handang aminin si Sarah Geronimo?!

ADVERTISING

Matapos maudlot kay Bea Alonzo Gerald Anderson, ‘di pa handang aminin si Sarah Geronimo?!

Matapos maudlot kay Bea Alonzo Gerald Anderson, ‘di pa handang aminin si Sarah Geronimo?!

ADVERTISING

SINASABING WALA pa raw namamagitan kina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, pero malakas ang bulung-bulungan na may mutual understanding na ang dalawa. Malakas ang team-up nila sa masa kaya pilit silang pinag-uugnay. Obvious na type ng dalaga ang aktor kahit hindi malinaw kung nanliligaw nga ito sa singer-actress. Lumalabas, nagdi-date sila pero kasama ang buong pamilya ni Sarah.

Sa mga interview, madalas sabihin ni Gerald na friends lang sila. Pakiusap pa nito na huwag daw silang madaliin. Ini-enjoy naman daw nila ang friendship na mayroon sila ngayon kuno. Pareho naman daw silang single kaya’t walang masama kung makita silang magkasama nga sa lakaran.

Ayon kay Gerald, kung sakaling dumating sa point na ready na sina Sarah sa isang relasyon, aaminin naman daw nila. Ang totoo n’yan, naghihintay lang ang Pop Princess maging sila ni Gerald at aminin nito in public na tunay na mag-dyowa na nga sila. Pero hindi pa yata handa ang binata sa pakikipagrelasyon. May kirot pa rin kaya sa puso nito ang naudlot nilang pagmamahalan ni Bea Alonzo na inilihim sa publiko?

ADVERTISING

Kung hindi pa nakipag-break si Bea, hindi mabubulgar ang lihim nilang relasyon. Ang pagkakaalam namin, si Bea ang totoong mahal ni Gerald at hindi si Kim Chiu, pero hindi niya ipinaglaban ang pagmamahal niya rito. Minsan naming na-interview si Bea, sinabi nito kaya siya nakipagkalas noon kay Gerald dahil hindi siya kayang panindigan ni Budoy. Ayaw raw niya sa isang lalaking hindi siya kayang protekta-han. That time, nagkakalabo na sila ni Kim at si Bea talaga ang mahal niya.

Muling nagtambal sina Sarah at Gerald, ini-link sila sa isa’t isa para pag-usapan ang pelikula. In fairness, kumita naman ang second movie nila. Patuloy pa ring sinusu-baybayan kung saan papunta ang kanilang love romance. ‘Babe’ ngayon ang tawagan nila, pampakilig sa mga fans. Ganu’n?

 

NAGBUNGA NA ang walang humpay na pagpapaseksi ng controversial star na si Iwa Moto sa mga men’s magazine. Maging sa pananamit, lumulutang ang kaseksihan ng dalaga. Walang pakialam ito kung lumuwa ang nagmumura niyang dibdib, or makita ang pisngi ng langit.

Lulubog-lilitaw ang showbiz career ng sexy star dahil mas binibigyan niya ng priority ang kanyang lovelife na kadalasan ay nauuwi rin naman sa hiwalayan. Sabi nga ng mga friends niya, baliw si Iwa sa tawag ng pag-ibig. Ibang klase raw itong magmahal, to the max, ‘ika nga.

Pasok si Iwa for the sexiest woman sa FHM 2012 (International). Sa dinami-rami ng Pinay na pinagpilian sa showbiz. Isa si Iwa sa nakapasok para makipagtalbugan ng kaseksihan sa mga international stars all over the world. Please vote Iwa, open this link – http: www.fhm.com/girls/covergirls/iwa-moto/ gallery – then press, vote for Iwa Moto. Voting still on March 29.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING