Matapos maiyak sa national TV Daniel Matsunaga, inisnab na ang ibang press!

MAKAILANG ULIT nang napabalita dati na naghiwalay na si Parañaque Councilor Alma Moreno at ang asawa niyang si Marawi City Mayor Fahad Salic. At ilang beses na ring itinanggi ito ng actress-politician. Pero kamakailan, may ganitong isyu na naman.

“Hindi na natapos ‘yon, e,” reaksiyon ni Alma nang makapanayam namin recently. “Lagi na lang may isyung ganyan. Kahit sinagot ko na noon na hindi totoo.

“Hindi po. Hiwalay kami dahil nasa Marawi siya and nandito naman ako sa Parañaque (kung saan nanunungkulan siya bilang councilor).

“And… ngayon kasi, umiikot ako sa Pilipinas dahil ako po ang Presidente ng Philippine Councilor’s League. Seventeen thousand po ang bumubuo ng ligang ito. At ito po ang iniikot ko. Ito po ang trabaho ko bilang konsehal.

After ng pagiging councilor, ano nga ba ang susunod na political agenda niya?

“Kung saan po ako dinadala ngayon, siguro nakikita ninyo. Basta ako po ay umiikot ngayon. Baliktarin na lang ninyo ‘yong Ness (palayaw niya),” sabi na lang ni Alma.

Ness kapag binaligtad… Sen. So, Senator pala ang susunod niyang tatakbuhin.

Parang hilaw pa si Alma kung Senatorial race agad-agad ang pupuntiryahin niya. Ayaw niyang mag-Congresswoman muna?

BAGO ANG live interview ni Raymond Gutierrez kay Daniel Matsunaga sa Showbiz Central last Sunday, kasama ang segment producer ng Unang Hirit na si Maxi ay hinihiritan na namin ng interview ang Brazilian-Japanese model-actor.

Mag-a-alas kuwatro pa lang ‘yon ng hapon. Hindi pa nagsisimulang umere ang Sunday showbiz talk show ng GMA hosted by Raymond nga, kasama sina John Lapus, Pia Guanio, at Jennylyn Mercado. At nasa dressing room nga lang si Daniel at naghihintay ng sequence kung saan nakakasa ang live interview sa kanya.

Aniya, after na lang daw ng live interview niya sa Showbiz Central. Naghintay naman kami ng staff nga ng Unang Hirit at maging ni Aubrey Carampel ng 24 Oras at Saksi mula alas-kuwatro hanggang bandang dulo na ng show. Almost 6 pm na nga nang isinalang siya.

Naging emotional si Daniel during Raymond’s interview. Hanggang naiyak na ito sa huling bahagi ng panayam sa kanya.

Pagkatapos nito, inakala naming haharapin pa kami ni Daniel para sa natanguan niya sa amin na interview. Pero mabilis ang naging lakad nito sa hallway, at dire-diretso nang lu-mabas ng studio. Parang galit ang expression ng kanyang mukha, nakakuyom ang dalawang kamao niya. Na pakiramdam namin, manununtok siya kapag may humarang sa kanya.

Tinangka pa siyang i-remind ng PR coordinator niyang si Doc Gamboa na head researcher din ng Showbiz Central at maging ng PA niya na may natanguan siyang interview namin, pero paulit-ulit na pag-iling ang sagot ni Daniel na hindi nga napigilan pang umalis na.

Sabi ni Doc sa amin, hindi raw talaga kinaya ni Daniel na maging sobrang emotional na during and after Raymond’s interview. Nagsu-sorry raw si Daniel na hindi na niya naharap ang iba pang gustong makapanayam siya after ng Showbiz Central. Intindihin na lang daw sana ang pinagdadaa-nan ngayon ng model-actor.

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleJM de Guzman, matapos maging maging batang ama, batang martir naman
Next articleMelanie Marquez, muntik na palang patayin si Lito Lapid… at magpakamatay rin!

No posts to display