Matapos magwagi ng Diamond Award Nina, nagtaas na ng presyo? – Alex Brosas

Matapos magwagi ng Diamond Award Nina, nagtaas na ng presyo? - Alex Brosas

Matapos magwagi ng Diamond Award Nina, nagtaas na ng presyo? - Alex BrosasHOW TRUE NA sobrang taas na ang talent fee ng Soul Siren na si Nina?

Feeling kasi ng isang booker, hindi makatarungan ang ibinigay na presyo ni Nina nang mag-inquire siya recently para sa isang fund-raising concert for the victims of typhoon Ondoy.

Nag-quote raw kasi si Nina ng P150,000 para sa nasabing concert na gaganapin either End of November or early December.

Siyempre, nagulat ang booker dahil hindi naman niya alam na ganoon kamahal ang singer. Ang katwiran pa nga niya, para naman iyon sa kawanggawa kaya bakit naman daw ganoon kataas ang ikinowt ng singer? Isa pa, hindi naman kalakihan ang kanilang venue, isa lamang itong comedy bar sa may Tomas Morato, Quezon City.

May kinalaman ba ang Diamond Award ni Nina sa pagtaas ng kanyang presyo? Just asking!

[ad#post-ad-box]

HINDI NAMAN PALA nawala sa eksena itong si Champagne Morales. Very much in pa rin naman pala siya sa showbusiness.

Napanood namin si Champagne sa imbitasyon na rin ng ina niyang si Dinah Dominguez last week para sa Crusade Against White-Collar Crimes’ fund-raising concert for typhoon victims sa Topgear Resto and Bar sa Roxas Blvd.

Sa ngayon, binabalanse ni Champagne ang career niya sa showbiz as corporate world. Involved siya sa sales department ng isang leisure property company.

“I’ve been doing it for three years now. In terms of value, one big property na nabenta ko is aboutP12.5 million lang po. Sobrang swak na swak nga po ito dahil I’m hosting Celebrity Homes and Business,” say ni Champagne.

Nakadalawang album na pala si Champagne, una ang self-titled album from Sony music, followed by a rock album from Vicor.

Champagne took up AB Psychology sa De La Salle University, one of the reasons why nag-lie low muna siya sa showbiz.  Nagtrabaho rin siya sa Stargate Media bilang writer at events manager.

Nasa Viva na si Champagne at kasama sa kontrata niya ang paggawa ng album. Pero, ang focused ngayon ng dalaga ay ang hosting.

“I started naman in theater. Right now, hosting first and maybe a little acting on the side,” say ng dalaga.

Yes, may boyfriend na si Champagne at may blessing naman ito ng kanyang ina si Dinah na sexy pa rin at parang hindi tumatanda.

AS WE WRITE this ay nasa US pa si Lance Raymundo matapos dumalo sa screening ng indie movie niyang Fidel sa Filipino International Film Festival sa Los Angeles noong October 18. Ipinalabas ang Fidel sa Regency Fairfax Cinema.

This is Lance’s first time to attend an international for Fidel. Obviously, very happy siya sa naabot ng kanyang pinaghirapang pelikula.

What he did forget is to include his manager Charlotte Dianco sa pagpunta niya sa US. Si Charlotte na siyang matiyagang nag-alaga sa kanya, na ginawa ang lahat para lamang umangat ang pangalan niya, na nagsulat ng Fidel, ay naiwan sa Pilipinas.

Hindi ba kaya ni Lance na abonohan man lamang ang plane ticket ni Charlotte para makasama niya ito sa very important festival para sa kanilang dalawa? Pareho nilang first ang pag-attend sa Filipino International Film Festival sa US at maganda sana kung naroon sila pareho. Was Charlotte robbed of the opportunity na maka-attend ng international film festival bilang writer ng isang indie film? Feeling ko,  yes!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas