Matapos magpiyansa sa Libel case
Sarah Lahbati, binuweltahan din ng 2 kaso ang GMA exec

ADVERTISING

<i>Matapos magpiyansa sa Libel case</i><br>Sarah Lahbati, binuweltahan din ng 2 kaso ang GMA exec

<i>Matapos magpiyansa sa Libel case</i><br>Sarah Lahbati, binuweltahan din ng 2 kaso ang GMA exec

BONGGA TALAGA ang Sarah Lahbati! Ang tapang, ha!

ADVERTISING

Kaya pala bumalik siya rito dahil magsasampa siya ng kaso at haharapin din niya ang kasong Libel na isinampa sa kanya Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Sabi nga ni Ma’am Annette, mabuti raw at hinarap ito ni Sarah para lumabas na ang buong katotohanan.

Pero nu’ng kamakalawa lang, dalawang kaso ang isinampa ni Sarah laban kay Ma’am Annette.

Nagsampa siya ng kasong Grave Coercion sa Quezon City-RTC na isinampa niya nu’ng umaga. Tapos sa hapon, sa Makati-RTC naman siya na kung saan isinampa niya ang kasong Perjury laban pa rin kay Ma’am Anette.

Palaban ang Sarah, ha! Matagal ang tatakbuhin ng kasong ito. Paano nila mami-maintain ‘yan. Susuportahan siya nang bonggang-bongga ni Richard?

Ang sabi lang ni Sarah, kailangan daw niyang panindigan at harapin ang mga ibinibintang sa kanya. Kaya siya nagsampa pa ng kaso para lumabas na ang katotohanan.

Eh, ganu’n din ang unang reaksyon ni Ma’am Anette. Mabuti raw at lumapit si Sarah sa proper venue, at mabuting ganu’n na raw ang mangyari para lumabas na ang buong katotohanan.

Pero ang tingin ko diyan, magkakaayos din ‘yan sila at magkakabati-bati. Ang ending niyan, balik-Kapuso din si Sarah. Tingnan na lang natin.

Pero ang sabi ni Sarah, aalis siya uli, pero ayaw niyang sabihin kung saan. Ang dinig ko, babalik siya ng Switzerland.

Pero ang isa pang malaking isyu sa kanya, bakit ayaw niyang sagutin ang isyung buntis?

Ang sabi lang niya, inililhis lang daw ang totoong isyu. Hindi naman siguro. Ang dali lang namang sagutin ‘yan kung totoo o hindi.

Hay, naku! Sana nga lumabas din ang buong katotohanan!

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING