Matapos mag-house-to-house sa Ormoc
Richard Gomez, sinalubong ni Lucy Torres ng yakap, halik, at birthday cake

ADVERTISING

<i>Matapos mag-house-to-house sa Ormoc</i><br> Richard Gomez, sinalubong ni Lucy Torres ng yakap, halik, at birthday cake

Richard Gomez' Birthday Salubong
Richard Gomez’ Birthday Salubong
Richard Gomez With Wife Lucy Torres-Gomez
Richard Gomez With Wife Lucy Torres-Gomez

Kaarawan ngayong araw (April 7) ng aktor na si Richard Gomez.

ADVERTISING

Kahapon, abala si Goma sa pangangampanya sa Ormoc City, kung saan tumatakbo siya bilang alkalde ng lungsod sa lalawigan ng Leyte sa darating na May 9 elections.

Last night, pagdating ng aktor sa bahay nila sa Ormoc galing kung saan-saang pagha-house-to-house na pangangampanya kasama ang kanyang mga kapartido at later ay sa campaign rally, sinalubong naman siya ng misis na si Congresswoman Lucy Torres (4th District ng Leyte) ng mahigpit na yakap at mainit na halik with matching birthday cake (na gawa ng sister-in-law ni Lucy Torres from scratch).

Sa Instagram message ni misis kay mister: “You have taught me so much about courage and strength, loyalty and passion. Happy Birthday, my dearest love. May today be but the start of the best times of your beautiful life.”

ADVERTISING

Si Goma na isa sa mga taga-showbiz na kaibigan namin (at iilan lang sila), we wish him na sa kaarawan niya ngayong araw ay matupad na sana ang pangarap niya na matagal na niyang inaasam, ang makapaglingkod officially sa Lungsod ng Ormoc.

Hari-nawa’y napatunayan naman niya ang pagpapahalaga niya sa mga kababayan niya sa Ormoc bago pa man dumating ang debulyong Yolanda na sila mismo ni Congresswoman Lucy ay hindi bumitaw sa mga kababayan nila (until now). Si Richard Gomez na marahil at wala nang iba ang akma at tamang tao na dapat iluklok ng mga kababayan niya sa puwesto bilang alkade nila.

Sa pulitika, hindi lang naman pangalan ang labanan. Hindi porke’t isang sikat na artista si Richard Gomez ay edge na para magustuhan at piliin ng mga taga-Ormoc. Mahalaga ang track record at mga nagawa para pagkatiwalaan ka ng mga kababayan mo. At si Goma, hindi lang puro salita. Si Goma, gumagawa.

Good luck, Goms… and happy birthday!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING