Matapos mabalitang nag-break John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nagkabalikan agad!

ADVERTISING

Matapos mabalitang nag-break John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nagkabalikan agad!

Matapos mabalitang nag-break John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nagkabalikan agad! LUMABAS NA NGA ang samu’t sa-ring version ng diumano’y hiwalayang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao noong Lunes. Pero noong Martes, may mga nagsasabi namang sweet at okay na ulit ang dalawa. May nakakita pa nga raw sa kanilang sabay na dumating sa ABS-CBN compound at magka-holding hands daw ang dalawa. So, ibig bang sabihin, ayos na ulit sila?

Noong Miyerkules ng gabi naman, sa programang Bandila ng ABS-CBN , inilabas ang eksklusibong panayam ni Boy Abunda sa dalawa sa segment nilang ‘Trending Na’.

Ayon pa kay Kuya Boy, ang naturang panayam ay para kay Shaina lang, pero nagpasya raw si Lloydie na sumama na rin sa interview upang maipakita sigurong ayos at okay na nga sila ng kasintahan.

At ayon pa kay Shaina, nagpasya siyang magpa-interview upang malinawan na ang lahat ng haka-haka at tunay na estado ng kanilang relasyon. Dagdag naman ni JLC, “They can speculate, alam naman namin kung sino at kung ano ang totoong dahilan.”

ADVERTISING

Nagkaroon daw talaga ng palitan ng text messages si Shaina at Ruffa Gutierrez noong concert ni Vina Morales sa Republiq.

Pag-amin ni Shaina, “Nag-text siya kay John Lloyd right after we left the party.”

At sinundan naman ng tanong ng magaling na TV host na, “What was the text message? What did you say sa text?”

Sagot ni Shaina, “I told her to leave us alone, gaya nang gusto kong sabihin sa kanya.”

Sa huli, nagpapasalamat naman si Shaina sa kanyang pamil-yang hindi talaga bumitaw sa kanya. “Ngayon ko nakikita na hindi pala ako nag-iisa.”

Umalis papuntang US si Shaina after the interview.

Matatandaang naging usap-usapan noong Lunes nga ang diumano ay hiwalayang Shaina Magdayao at John Lloyd dahil daw sa hindi na nila pagkakaintindihan dahil may mga text messages daw na ipinadala si Shaina sa dating nakarelasyon ni Lloydie na si Ruffa Gu-tierrez. Nag-ugat daw ito nang magkita sina JLC at Ruffa sa birthday ni Bea Alonzo. Nasundan pa daw ito ng pagkikita naman nila sa birthday cum concert ni Vina noong October 17, 2011.

 

NAKAKUWENTUHAN NAMIN ANG nag-iisang Superstar na si Nora Aunor noong Miyerkules sa set ng Sa Ngalan ng Ina (SNNI). Masaya ang naging takbo ng aming usapan at halatang inspired talaga si Ate Guy na magtrabaho. Kuwento niya, mami-miss talaga niya ang buong cast and crew ng SNNI dahil nakatakda nang mag last taping day ang show ngayong araw.

Kaabang-abang naman daw ang week five, o finale week ng SNNI mula October 31 hanggang November 4 dahil dito raw talaga malalaman ang mga sikreto ng mga buhay nang mga tauhang sina Elena, Alfonso, Andrea, Lucia. Dagdag pa ni Ate Guy, abangan mo ang torture scene namin dito ni Osang (Rosanna Roces) dahil ngayon ko pa lang nagagawa ang naturang eksena. Inamin naman ni Ate Guy na sobra na silang malapit ni Osang at hangang-hanga siya sa galing nito.

Dagdag pa ni Ate Guy, kamakailan lang ay nagkaroon siya ng meeting with TV5 executives at sinabi nilang magkakaroon daw siya ng reality show. Tungkol daw ito sa mga nais sumikat sa pagkanta ala Tawag ng Tanghalan. Excited daw siya kung maplantsa na nga ang detalye tungkol dito dahil malapit sa puso niya ang mga nais sumikat sa larangan ng pagkanta.

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa ar-nielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING