Matapos hiyain ang ina sa Twitter
Gretchen Barretto, si Claudine Barretto naman ang binabanatan

ADVERTISING

<i>Matapos hiyain ang ina sa Twitter</i><br> Gretchen Barretto, si Claudine Barretto naman ang binabanatan

Gretchen-Barretto-Claudine-BarrettoGRETCHEN BARRETTO seems really bent on ruining her family members.

Kasi naman, after putting her mom Inday Barretto to shame ay si Claudine naman ang kanyang binabanatan.

One website, Fashion Pulis, posted Gretchen’s exchange of messages sa Twitter. In the course of their discussion, La Greta dropped hints na Claudine is schizophrenic and bipolar.

How’s that for a sister?

ADVERTISING

And when somebody asked her kung bakit hindi niya idinedemanda si Claudine, she retorted na “to sue her is a waste of time and energy”.

“She does not deserve my precious time,” dagdag pa ni La Greta.

Ganoon naman pala, eh, bakit panay ang rant mo against Claudine?

With what she did ay ang daming naimbiyerna sa kanya at kumampi kay Claudine.

“Feeling ko lang parang sobrang galit ni gretchen kay claudine..si gretchen lang lagi nag sasalita ng masama about claudine..naku gretchen wla kang peace of mind kung puno parin ng hatred ang puso mo! parang ngayon lang clear talaga na parang may selos sya kay claudine!,” one guy observed.

“Gretchen’s blase behavior only goes to show that money, even excessive amounts of it, cannot and will never buy CLASS,” noted one guy.

But this one nailed it, “I think mas deserve nya ang mga advices nya for claudine and most of all her reputation precedes her! kahit anung pagmamalinis, pagpapaka know it all and feeling self righteous at entitled nya STILL PEOPLE SEE HER AS A CHEAP MISTRESS!!! na nagsusumiksik sa mundo ng mga cojuanco na never sya iiacknowledge as a member! sa tingin ba nya sa mga pinaggagawa nya sa kapatid at magulang nya ikagaganda ng imahe nya sa biyenang HILAW nya???? na uh!.”

Gretchen-Barretto

NORANIANS REJOICE! Malapit na raw kasing hirangin bilang National Artist ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Balitang-balita na sure na raw si Ate Guy bilang National Artist at wala nang makapipigil pa sa kanyang selection.

Kung true ito, naku tiyak na inggit na inggit na naman ang kumare niyang si Ate Vi dahil poor second na naman siyang lalabas.

Kasi naman, laging SECOND FIDDLE na lang itong si Aling Vilma, never has there been a time na naungusan niya si Ate Guy in terms of achievement.

When Ate Guy did an indie film and scored success in the process, aba’t nag-shoot din si Ate Vi ng kanyang first indie. Thought she doesn’t have the luxury of time to do a movie pero paeklay lang pala ang lahat. Sadly, it didn’t create a stir like what Ate Guy’s Thy Womb did in the international market.

Kapag nahirang na National Artist si Ate Guy, tiyak na luhod, Vilma, luhod ang drama ng anino ng nag-iisang Superstar.

O, hala, Vilmanians, start bashing us now. Diyan naman kayo magaling, eh. Ang feeling n’yo naman matatakot ako sa inyo. ‘Tsura n’yo, ‘no!

Magpaka-CHEAP na kayong Vilmanians. Start ranting against us. Now na!

 

NALOKA KAMI when somebody noticed na wala raw kasamang GMA correspondent si Marian Rivera nang magpunta ito sa Vietnam recently.

True ba ito?

Kung true, aba, bakit pinabayaan yata ng Siyete ang kanilang Primetime Queen?

Anyway, ang daming photos ang kumalat sa social media na kuha sa pag-visit ni Marian sa nasabing bansa. Superstar na superstar ang treatment sa kanya roon.

Marian guested in two TV networks, that’s according to a report. Marami ring fans ang nagbigay sa kanya ng regalo. A presscon was also tendered for her.

We saw a video of Marian while singing in a TV show. Talagang pinagkaguluhan siya ng audience.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING