Matapos bihisan at sinunod ang layaw: celebrity guy, balik sa basurahan!

LITERAL NA binihisan at sunod sa layaw ang isang younger guy sa kanyang may-edad nang nobya. Whatever his whims and caprices, ibinibigay nang todo-todo ng babae.

But with their separation, mismong ang babae na raw ang nagsasabing, “He is now back to being a nobody.”

Kung tutuusin, without being privy to their private affairs ay halata namang namuhunan nang bonggang-bongga ang babae sa kanyang nobyo: from lavishing him with travels abroad to making him taste the life of the rich and famous.

Pero sa isang iglap, alaala na ang lang ang natira sa marangyang buhay na ‘yon ng lalakI, blame it on philandering ways, the last of which was the proverbial straw that broke the camel’s back.

Sa ngayon, the guy seems to have lost everything: his professional career, ang bago niyang sinusungkit who reportedly reunited with her husband and most specially his wealthy girlfriend. The “bounty hunter” is now a lost soul thrown into the abyss of wilderness.

(By Ronnie Carrasco III)

Previous articleMocha, binabastos ang bandera ng Pilipinas sa sexy music video?!
Next articleMagaling magdala kaya ‘di nahahalata: aktres at aktor, nagkatikiman kahit walang relasyon!

No posts to display