Matapos ang silent war dahil kay Gerald Anderson Kim Chiu at Bea Alonzo, nagkabati na!

ADVERTISING

Matapos ang silent war dahil kay Gerald Anderson Kim Chiu at Bea Alonzo, nagkabati na!

Matapos ang silent war dahil kay Gerald Anderson Kim Chiu at Bea Alonzo, nagkabati na! PARANG ANG hirap paniwalaang nagdadalawang-isip na si Piolo Pascual kung iiwan niya ang ABS-CBN in favor of TV5.

Kung gustong lumipat ni Piolo sa Singko, eh, ‘di sana noon pa niya ginawa.

May lumalabas kasi na tsikang ngayon daw ay napapaisip na ang aktor na mag-switch ng network. Nate-tempt na raw ito sa malaking offer ng third network in the country.

We doubt if Piolo will entertain thoughts of moving to a different station. Nasa number one network na siya, lilipat pa ba siya? Think again!

ADVERTISING

 

NAGKABATI NA pala sina Kim Chiu at Bea Alonzo.

Actually, last year nangyari ang kanilang pagbabati. Ayaw kasi ni Kim na mag-Bagong Taon na may kasamaan pa siya ng loob kaya siya na ang gumawa ng initiative para batiin ang dyowa ni Zanjoe Marudo.

Nilapitan ni Kim si Bea sa isang event kung saan pareho silang may participation. Nag-“Hi!” siya rito at ginantihan naman ito ng ngiti ni Bea. Ayun, nagkausap ang dalawa.

Actually, hindi naman talaga nag-away ang dalawa. Nagkaroon lang sila ng ilangan nang ma-link si Bea kay Gerald Anderson. Kahit saan sila magkita, hindi sila nag-uusap. Parang nagkaroon ng silent feud.

Alam naman nating lahat na naging girlfriend ni Gerald si Kim for a long time hanggang mag-break sila. Niligawan ni Gerald si Bea hanggang mapasagot siya nito. Kaya lang, grabeng batikos naman ang inabot niya sa Kimerald fans. Pati nga si Bea nadamay sa galit ng fans. May mga nagbanta pa nga kay Bea kaya siguro napilitan itong makipaghiwalay sa aktor.

Matapos ang silent war dahil kay Gerald Anderson Kim Chiu at Bea Alonzo, nagkabati na!

NANINIWALA SI Angel Locsin na wala sa status ang ikagaganda ng isang relasyon.

She was asked kasi about the status of her relationship with Azkals player Phil Younghusband. Ang sagot niya is “unofficial”.

“Honestly, sa akin kasi marami nga d’yang official ang status but hindi naman nagwo-work, hindi naman masaya. Kung ano ang okay sa inyo, kung ano ‘yung nagwo-work, kung ano ‘yung nakakapagpasaya sa inyo, eh, ‘di ‘yun muna ang sundin ninyo,” paliwanag ni Angel sa presscon ng Unofficially Yours.

Dagdag pa niya, “Kung merong konting confusion, na magkakaroon naman talaga, mase-settle naman ‘yun sa tamang oras, sa tamang panahon. But for now, doon muna (kami ni Phil) sa nagwo-work.”

Para sa aktres, hindi madaling gawin ang isang romance-comedy na tulad ng Unofficially Yours, kung saan leading man niya si John Lloyd Cruz.

Mula kasi sa Imortal ay ma-tinding adjustment ang ginawa ni Angel.

“Iba ‘yung atake sa rom-com. Actually, nahirapan kaming mag-adjust. Tinuruan pa ako ni Direk (Cathy Garcia-Molina) kung paano mas maging natural. Si Lloydie, ipinakita niya lahat dito at ibinigay niya lahat.”

Kahit na hindi na siya bago when it comes to doing love scenes, kinabahan pa rin si Angel nang gawin nila ni Lloydie ang bed scenes nila. Ilang beses ding kasing nagkaroon ng one-night stand ang characters nila sa nasabing movie.

“To be honest, ang laki ng nerbiyos ko kaya lang ayaw kong iparamdam kay Lloydie kung kinakabahan ako, ninenerbyos ako dahil kakabahan din siya. Wala akong iniisip na iba. In character ako, tapos gusto ko rin siyang (John Lloyd) alagaan. I’m happy na hindi siya naiilang.”

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING