Matapos ang break-up nila ni Sam Milby Anne Curtis, sumikat nang husto! 

Matapos ang break-up nila ni Sam Milby Anne Curtis, sumikat nang husto! 

Matapos ang break-up nila ni Sam Milby Anne Curtis, sumikat nang husto! TAMA ANG desisyon ni Anne Curtis na pagkatapos ng kanyang pakikipagrelasyon kay Sam Milby, may matutunan siyang leksiyon. Na dapat, kung muli siyang magkakaroon ng boyfriend, ‘yung hindi na masyadong nalalantad sa mata ng maraming taga-showbiz, para hindi laging mapag-usapan ang bawat kibot nilang dalawa. Ngayon, mayroon ulit siyang bagong karelasyon na isang guwapong binata na may dugong foreigner.

May mga kumukumbinsi sa kanyang boyfriend para tuluyan nang pasukin ang pag-aartista. Pero kung si Anne ang tatanungin, nahihirapan siya kung “Oo” o “Hindi” ang kanyang sasabihin. Mahirap daw kasi talagang magkaroon ng karelasyon na nag-aartista rin. Pero dahil nga sa nga-yon, hindi masyadong napag-uusapan ang tungkol sa pakikipagrelasyon ni Anne, kaya naman ang mga kalalakihan na tagahanga niya ay tuluy-tuloy lang na pinagpapantasyahan siya.

Isang magandang tanawin si Anne bilang host sa Showtime, kaya paborito siya ng mga televiewers. Nagpapatuloy pa ang kanyang kasikatan, lalo pa’t magkakaroon siya ng solo concert sa Smart Araneta Coliseum, ang “No Other Concert” sa January 28, 2012. Parang sa hiwalayan nina Anne at Sam, si Anne ang nang-iwan nang milya-milya. Siya kasi ang sikat ngayon, habang si Sam ay lumaylay na nang tuluyan ang showbiz career.

Matapos ang break-up nila ni Sam Milby Anne Curtis, sumikat nang husto! 

BLIND ITEM: Misteryosa ang dating ng sikat na aktres na sumabak din dati sa pagpapaseksi. Itago natin siya sa pangalang Gina Regalado. Mabuti na lang at magaling ang kanyang talent manager, kaya nailigtas pa ang kanyang career sa tuluyang pagkalaos. Nawala kasi dati sa uso ang kanyang kasikatan, kaya ang naging kadramahan niya ay ang magpunta sa kung saan-saang bansa. Likas siyang malambing sa mga kalalakihan, kaya hindi ipinagtataka noon kung bakit napakaraming lalaki ang napaugnay sa kanya sa iba’t ibang bansa.

Ang sikat na aktres ay mayroong mga kaibigang kapwa artista na nakasabay niya sa pagpasok sa showbiz. Isang sikat at tisay na aktres ang best friend ni Gina, si Ruby Diaz. Nang mawalan sila ng raket sa showbiz, magkasama silang nag-travel sa iba’t ibang bansa. Minsan, sa isang bansa ay may sikat na lugar na tinambayan ang dalawa. Si Gina ang mas unang nakarating sa nasabing tambayan ng mga babae. Isa iyong park na sa paligid ay mayroon ding hotel.

Isang dating matinee idol sa showbiz, na si George Ebdane ang nakaaalam kung anong klaseng lugar ang tinatambayan nina Gina at Ruby. Nagulat siya, dahil iyon ay tambayan ng mga pokpok, at doon pumi-pick up ang mga banyaga ng mga babaeng gusto nilang maikama. Nawindang si George, ipinakiusap niya kina Gina at Ruby na humintong tumambay sa nasabing parke. Isang malaking palaisipan kay George kung “pumasada” ba sa nasabing tambayan sina Gina at Ruby?  Ngayon ay nasa Pilipinas na ang dalawang aktres at sikat na ulit sila.

PERSONAL: HAPPY birthday sa dating Pangulo ng Philippine Movie Press Club na si Kuya Joe Barrameda. Hindi namin tunay na kadugo ang taong ito, pero hindi ko makakalimutan ang kanyang kadakilaan. Noong makatapos akong magpagamot mula sa dinaanan kong malubhang karamdaman, six years ago, si Kuya Joe ang tumulong sa akin para muli akong makabalik sa showbiz sa aking writing career. Ubos na lahat ang aking naipon, at wala na talaga akong pera noon. Pero napagtuunan ako ng pansin ni Kuya Joe para tulungan sa pinansiyal na pamamaraan dahil sa kagipitan ko noon. Hindi ko na binilang kung magkano ang naitulong niya sa akin, basta bigay na lang siya nang bigay hanggang sa makabawi na ako mula sa kagipitang iyon.

Maraming salamat, Kuya Joe!

 

ChorBA!
by Melchor Bautista