Matagal na raw tapos ang relasyon kay EB Babe Yosh
Wally Bayola, ‘di binitawan ng asawa sa gitna ng iskandalo

ADVERTISING

<i>Matagal na raw tapos ang relasyon kay EB Babe Yosh</i><br>Wally Bayola, ‘di binitawan ng asawa sa gitna ng iskandalo

<i>Matagal na raw tapos ang relasyon kay EB Babe Yosh</i><br>Wally Bayola, ‘di binitawan ng asawa sa gitna ng iskandaloMAINIT PA ring pinag-uusapan itong iskandalong kinasangkutan ni Wally Bayola, ha!

ADVERTISING

Nahati tuloy ang atensyon sa pork barrel scam ni Janet Napoles, pero hanggang sa ngayon hindi ko na inurirat na panoorin ang video na ‘yun.

Ayaw nang magbigay ng statement ang mga taga-Eat Bulaga at pati mga host nila hindi rin nagsasalita.

Alam ko sinabihan talaga silang manahimik at huwag magkomento sa iskandalong ito ni Wally at ng taga-EB Babes na si Yosh Rivera.

ADVERTISING

Hindi na nga muna napapanood si Wally sa Eat Bulaga at si Allan K muna ang pansamantalang pumalit sa kanya sa Celebrity Bluff.

Ang dinig ko lang sa mga usap-usapan ng mga taga-Startalk, nasa bahay lang daw si Wally.

Ang inaasikaso raw nito ngayon ay ang pagpapa-chemo sa anak niyang may cancer.

Nababanggit daw nito noon na kailangan niyang kumita nang husto para maipagpatuloy ang pagpapagamot sa anak niya.

Sa totoo lang, ‘yun ang mas matinding pinagdadaanan nila ngayon dahil napakabata pa ng anak niya, tapos nagkasakit nang ganu’n.

Nadagdagaan pa nitong sex video scandal kaya kawawa rin naman si Wally na nagkakasabay-sabay ang ganitong problemang dumarating sa kanya.

Mabuti’t hindi naman daw ito binibitiwan ng asawa niyang si Rizza at dinamayan ang asawa niya kahit nagkasala si Wally sa kanya.

Ang kuwentong naririnig ko, matagal na raw itong isyu kina Wally at itong kay Yosh. Nabuking na raw ito ng asawa ni Wally at sinugod na nga raw itong si Yosh sa Eat Bulaga.

Pero naayos na raw at nagbago na si Wally, pero meron palang sex video at ngayon lang lumabas kaya ayan nagulo na!

Ang sabi nila, matagal na raw ‘yang video na ‘yan at kaya lumabas daw ito dahil sa pinaayos daw ni Yosh ang laptop niya, kung saan nandu’n nga ang sex video nila.

Hay, naku! Ewan ko ba! Bakit naman kailangan pang i-video. Hindi naman sila porno star, kaya ayan tuloy!

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang kuwentong ito ni Wally, at kung ano ang masasabi diyan ng co-host naming si Joey de Leon.

 

NAKU! TINGIN ko nauumay na kayo sa kuwentong demandahan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Meron na naman kaming panibagong development sa drama ng mag-asawa dahil nagsampa ng kasong Perjury si Claudine laban kay Raymart kasama ang tatlong abogado nito.

Isinampa niya ito sa Pasig-RTC nu’ng kamakalawa lang dahil nagsinungaling daw sina Raymart sa korte nu’ng sinabi nilang walang pending cases nu’ng nagsampa sila ng Habeas Corpus na kaso.

Sabi naman ng abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo, nu’ng panahong ‘yun, wala pa raw silang natatanggap na complaint. Sa media lang daw nauna, pero sa kanila ay wala pang dumating na reklamo. Kaya sinabi nilang wala pang pending case. Pero nabawi na raw nila sa korte, kaya hindi naman daw perjurious ‘yun.

Alam ko, magsasalita na rin si Raymart isa sa mga araw na ito, kaya abangan na lang natin.

Pero meron na naman yatang sasabihin si Claudine kaya abangan n’yo ‘yan sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING