‘Matagal na kaming okay ni Vice Ganda’

‘Matagal na kaming okay ni Vice Ganda’

Vice-Ganda-Ogie-Diaz“OKAY NA ba kayo ni Vice Ganda, Ogs?”

‘Yan ang madalas na itanong sa akin ngayon ng mga common friends namin ni Vice. At paulit-ulit ko rin namang sinasabi na, “Matagal na kaming okay.”

At gusto ko lang i-share sa inyo na ilambeses na rin kaming nagkita para magkatsikahan at no dull moment, dahil na-miss namin ang mga kagagahan namin sa buhay nu’ng araw.

Ni hindi namin tinalakay ang nakaraan, dahil alam naman namin sa sarili namin na “closed chapter” na ‘yon. Ang importante, magkaibigan kami uli at ramdam pa rin ang concern sa isa’t isa.

Juice ko, ang liit lang ng showbiz. At para magtanim ka ng sama ng loob, kasalanan mo ‘yan sa sarili mo, dahil pinili mong maging malungkot o sumama ang loob sa kapwa.

Sa dami na rin ng pinagdaanan namin mula pa nu’ng bata kami na hindi naman kami nagpatalo sa “nega feelings” eh juice ko, parang kaya na naming harapin ang lahat with a sincere smile.

Kaya nga ‘pag tinatanong ng ilang friends kung ilang taon na kami, nagugulat sila sa edad namin, “You look younger than your age.”

So ibig sabihin, nakatutulong talaga ang pagkakaroon ng positive outlook in life, hindi ka nag-e-entertain ng kanegahan at stress, saka may mga napapasaya kang tao, ang laking bagay na no’n para magmukha kaming bagets sa paningin ng marami.

Gano’n lang naman ang buhay. May aalis. May darating. Nawala si Vice Ganda. Dumating naman si Liza Soberano. May Liza na kami, nagbalik uli ang friendship namin ni Vice.

Hindi pa ba blessing ‘yon?

Oh My G!
by Ogie Diaz