Mataas ang expectation sa show Sharon Cuneta, pipiliting ibangon ang TV career!

Mataas ang expectation sa show Sharon Cuneta, pipiliting ibangon ang TV career!

Mataas ang expectation sa show Sharon Cuneta, pipiliting ibangon ang TV career! BLIND ITEM: May pagkamaselan ang aming paksa tungkol sa ngayo’y hiwalay nang magnobyo, kaya instead of dwelling on their identities ay mas iha-highlight namin ang ilang nakalulungkot na kaganapan in their not-so-happier times of togetherness.

Kababaeng tao ni D, pero siya pa raw pala ang gumagastos sa kanyang dyowang si J to think na mas malakas rumaket ang boylet. At the height of their affair, binalak ng magdyowa to take a European vacation, ang pamasahe papunta sa isa sa mga bansa roon ay iniharbat ni D mula sa kanyang ama.

Kamukat-mukat, ikinansela pala ni J ang kanilang biyahe at the last minute, ang nai-refund niyang airfare ay kinanya na niya. Tuloy, sinisingil si J ng ama ni D.

Hindi lang daw ‘yon, ani D, ang pag-uugaling kabutas-butas sa kanyang dyowa. Isang sunog ang naganap umano sa mismong silid-tulugan ni D, kung saan natupok ang kanyang kama habang himbing na natutulog. Bagama’t wala namang matin-ding pinsala ang tinamo ni D, in fairness, sumaklolo naman daw si J sa pinangyarihan ng sakuna.

Takang-taka pa raw si J kung bakit napalilibutan ng maraming tao ang tirahan ni D. Nang malaman daw ni J na nakaligtas sa insidente si D ay parang nanghinayang pa siya, dapat daw ay nasawi na raw ang nobya.

When told about D and J’s unpleasant romance, we instantly dismissed it as a cock-and-bull story, in short, mukhang produkto lang ng imahinasyon. Sa mababaw kasing pagkakakilala namin kay J, malayo sa kanyang aura na may kakayahan siyang ituring na parang bakla ang dyowa niyang babaeng-babae.

Trauma kung tutuusin ang karanasang ito para kay D, ewan kung nais pa rin niyang manatili sa bansa.

 

MAKAPUKAW-PANSIN AGAD ang tila sinadyang self-deprecating one full-page ad ni Sharon Cuneta para ianunsiyo ang kanyang bagong TV5 show na Sharon: Kasama Mo, Kapatid.

The ad reads: SIGE, MATABA NA KUNG MATABA. Pero sa ilalim ng linyang ‘yon ay may pahabol na ANG PUSO KO. Below is another line that says: MAGPAKATOTOO NA TAYO. Accompanied by a photo of a smiling Sharon Cuneta na nakapamewang, in fairness, she does not look “that” mataba.

Whether photo-shopped or not, isang pagbabanta ‘yon ni Sharon that beyond her figure is a much-awaited, if not long-overdue program (Marso pa kasi noong ibinabalitang eere ito) that promises to make a dent in the 4:30 p.m. daily time slot beginning this Monday, May 14.

Dapat sana’y last May 7 umere ang pilot episode nito, but the TV5 bosses thought best to make it as an appropriate post-Mother’s Day presentation. After all, Sharon is a mom herself. Sa totoo lang, expectations are high sa resurrected TV career ng megastar via the Kapatid Network.

 

MAHIGIT ISANG buwan na ang nakalilipas buhat ng Semana Santa ay may pahabol pang kuwento ngayong Biyernes ang Face To Face. Dinayo pa ng produksiyon ang Anilao Port sa Barangay Anilao Proper, Mabini, Batangas para sa ikalawang sultada ng episode na pinamagatang Habang Si Misis Ay Nagpapasyon Noong Biyernes Santo, Si Mister Ay Na Kay Milagrosa Na Kapwa Busy Na Nagmimilagro!

Dahil na rin sa sumbong ng isang nagmamalasakit na kapit-bahay, natunton at nahuli ni Rosalinda ang kanyang kinakasamang si Crisanto na tirik na tirik ang noches habang nakikipagtalik umano kay Milagrosa na binayaran lang nito ng P200. And take note, Good Friday pa raw nang maganap ang eksenang ‘yon, na hindi pinalampas ni Rosalinda nang sugurin niya ang bahay ng katalik ng kanyang dyowa at pagtatadyakan ang pinto nito.

Sana, dyumoyn na lang si Rosalinda… echos!

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III