Masayang free birthday concert ni Michael Pangilinan, nauwi sa kalungkutan

ADVERTISING

Masayang free birthday concert ni Michael Pangilinan, nauwi sa kalungkutan

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan

Ika-21 birthday celebration ng singer na si Michael Pangilinan last Saturday (November 26) na isinagawa sa Rajah Sulayman Park, kung saan naghandog siya ng libreng show sa mga taga-Manila and at the same time ay sort of giving it back sa lahat ng fans at supporters niya sa showbiz for the last five years.

Happy si Khiel sa naging kaganapan sa show dahil nakipag-duet sa kanya si former President and incumbent Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada that evening.

All out ang suporta ng mayor sa palabas na rain or shine ay tuloy ang libreng pa-show ni Michael that day.

Si Jake Ejercito, humataw sa entablado with his sexy moves. Si KZ Tandingan naman ay super galing sa performance niya. Si Marion, sinabayan ng audience ang kinanta niya na “Pumapag-ibig” na kabisado ng younger audience.

ADVERTISING

Pero sa kabila ng saya during the event, nauwi sa lungkot sa pagka-miss ni Khiel sa kanyang anak na inaasahan niyang dadalhin ng dating girlfriend na si Eric Ocampo na ina ng bata noong gabing ‘yun para makasama ng ama.

In between his performance on stage, palinga-linga si Khiel na parang may hinahanap na umaasa na baka biglang dumating ang bata na makasama man lang niya sa mahalagang araw na ‘yun ng buhay niya. Pero wala ang baby ni Michael na si Ezekiel hanggang sa matapos ang show. Hindi man lang dinala ng ina ng bata para makasama man lang ang singer sa kanyang kaarawan.

Pahayag ni Michael sa mini-presscon niya after the show, “Kahit hindi na siya ang magdala sa bata, pasuyo lang niya sa iba or ipahatid niya sa iba, ‘di ba?”

“Kung matino ka (referring to Erin), birthday ng tatay ng anak mo, ‘yung mag-effort ka man lang,” himutok ng singer sa sitwasyon na napaiyak ito sa sama ng loob na naramdaman.

“Kung nakikipagmataasan ka ng pride, huwag kang bumaba (ng kotse), ipahatid mo ‘yung bata.

“Sa totoo lang, masakit. Lagi po akong umiiyak. Lalo na kaninang umaga papunta pa lang ako rito. Iba talaga ‘pag anak.

“Sa totoo lang, hindi ko kailangang sumikat at gamitin ang bata. Nagpapakatotoo lang ako. Sabi ko nga, ilang beses kong ipinananalangin, kahit wala akong show, kahit hindi ako sumikat, kasama ko lang ang anak ko, kumakain kami ng 3 beses isang araw, okay na ako ,” paliwanag ni Michael.

Sa darating na December 15, gusto ni Michael na makasama ang anak. 1st birthday ni Ezekiel. Gusto niya itong bigyan ng birthday party na harinawa’y magkaroon ng himala at matauhan itong si Erin na may karapatan ang singer sa anak na hindi naman nito iniwanan ang obligasyon eversince bilang ama para mag-imarte itong si babae.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING