Sipat-eklat: Mas type ang personalized massage: Tony Boy, tinanggihan ang regalong massage chair ni Gretchen Barretto!

ADVERTISING

Sipat-eklat: Mas type ang personalized massage: Tony Boy, tinanggihan ang regalong massage chair ni Gretchen Barretto!SIPAT: Naks, MAMAHALING SPORTS CAR ang REGALO kay GRETCHEN BARRETTO ni TONY BOY COJUANGCO.
EKLAT: ‘HIRAP ISANGLA n’yan!

SIPAT: TINANGGIHAN naman ni TONY BOY ang MASSAGE CHAIR na IREREGALO naman sana ni GRETA.
EKLAT: Mas MASARAP pa rin siyempre ang PERSONALIZED MASSAGE ni GRETA!

SIPAT: SIXTEEN YEARS na pala ang RELASYON nina GRETCHEN at TONYBOY.
EKLAT: Talagang ang MATIBAY na PUNDASYON ng isang RELASYON ay PAGMAMAHALAN… at KAYAMANAN.

SIPAT: Parang HINDI TUMATANDA si GRETA. Ang GANDA pa rin niya, in fairness.
EKLAT: Ang SIKRETO kaya niya: SOBRA-SOBRANG PAGMAMAHAL, PERA, at SIYENSIYA?

SIPAT: Sey ni BAYANI AGBAYANI, BIBIGYAN niya raw ng KAKAIBANG GIMIK ang VIEWERS ng DIZ IZ IT!
EKLAT: ‘Yung HINDI NAPAPANOOD sa SHOWTIME, ha? Pramis?

ADVERTISING

SIPAT: TATAPATAN ng PILIPINAS GOT TALENT ang TALENTADONG PINOY.
EKLAT: Kaya mula LUNES hanggang LINGGO, NAKABALANDRA si KRIS AQUINO sa TV n’yo!

SIPAT: Naks, PINARANGALAN si MARIAN RIVERA ng BUREAU of INTERNAL REVENUE bilang TOP TAXPAYER ng MANDALUYONG.
EKLAT: KABADO namang TIYAK ang mga ARTISTANG HINDI TAMA ang BINABAYARANG BUWIS. Naka-MONITOR pala ang BIR, e!

SIPAT: Dapat GAWING ROLE-MODEL si MARIAN sa PAGIGING TAPAT sa PAGBABAYAD ng kanyang TAX.
EKLAT: ‘Wag na lang KULITIN sa kanyang LOVELIFE si MARIAN, ha? HIRAP siyang MAGTAPAT, e!

SIPAT: BUNTIS ba TALAGA si ROXANNE GUINOO, kaya AYAW niyang MAGPAINTERBYU?
EKLAT: Kaya HINTAYIN na lang na MAKAPANGANAK si ROXANNE para siya MAKAUSAP?

SIPAT: GUSTO pa rin daw GUMAWA ng PELIKULA ni SEN. LITO LAPID.
EKLAT: Napi-FEEL na niya ang RESULTA ng DARATING na ELEKSIYON…

SIPAT: PUWEDE namang PAGSABAYIN ni JACKIE RICE ang pagiging SEXY at the same time ay WHOLESOME pa rin ang IMAGE.
EKLAT: ‘Yan ay kung KAKAGATIN pa siya ng TAUMBAYAN!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING