Mas type ang bokalista ng The Script
Janine Tugonon, hiniwalayan ang boyfriend

ADVERTISING

<i>Mas type ang bokalista ng The Script</i><br>Janine Tugonon, hiniwalayan ang boyfriend

<i>Mas type ang bokalista ng The Script</i><br>Janine Tugonon, hiniwalayan ang boyfriendKINUMPIRMA NI 2012 Miss Universe first runner-up Janine Tugonon at ng boyfriend nitong si Jaypee Santos na nauwi sa break up ang mag-iisang taong relasyon nila dahil sa The Script vocalist na si Danny O’ Donoghue nang sabay na mag-guest ang dalawa sa Kris TV. Dito ay inamin ng beauty queen na siya ang nakipaghiwalay kay Jaypee at ito ay dahil naguguluhan siya sa nararamdaman niya para sa foreign singer.

Nagkakilala nang pumunta sa bansa ang nasabing banda at nagkaroon ng meet and greet sa mga tagahanga nito sa Araneta Coliseum, personal na nagkakilala sina <i>Mas type ang bokalista ng The Script</i><br>Janine Tugonon, hiniwalayan ang boyfriendDanny at Janine at dito ay tinanong ng bokalsita kung may boyfriend ba siya. Itinuro naman ni Janine si Jaypee. Sa kabila nito, nagsabi pa rin ang bokalista na i-follow siya ni Janine sa Twitter at ipa-follow back naman niya ito at nag-direct message sa kanya na sinagot naman niya. Dito ay nagalit si Jaypee, nagkaroon ng argumento na nauwi na nga sa pakikipaghiwalay ni Janine sa ex-boyfriend.

Noong una, pakiramdam ng beauty titlist na baka nagagandahan lang ito sa kanya. Pero kalaunan ay naramdaman din niya na gusto siyang higit na makilala nito. Ayon kay Janine gusto niya munang mag-isip-isip at maglaan ng panahon para sa kanyang sarili. Dagdag na pahayag din ng beauty queen, mas maganda nang naramdaman niya ito hangga’t ‘di pa sila kasal at ‘di pa talaga sila tali sa isa’t isa ng ex-boyfriend.

Katakut-takot na pamimintas ang natanggap ni Jaypee mula nang manalo si Janine bilang first <i>Mas type ang bokalista ng The Script</i><br>Janine Tugonon, hiniwalayan ang boyfriendrunner-up sa Miss Universe 2012, kung saan bukod sa nilait ang pisikal na anyo nito ay kinukuwestiyon pa ang kasarian. Hinangaan ng marami noon si Janine nang magbitaw ng kasiguraduhan na kahit pasukin niya ang mundo ng showbizness, ‘di niya ipagpapalit kahit na kanino si Jaypee.

ADVERTISING

Pero sa nangyaring ito, patunay lamang na maraming pangako ang maaaring mapako at walang permanenteng bagay talaga sa mundo.

 

SA PAG-ALIS ng mga dating kasama sa grupong The Champions ng ASAP mula kay Rachelle Ann Go, Mark Bautista at kamakailan nga ay si Christian Bautista kung saan pare-parehong napapanood na ang mga ito sa Party Pilipinas, aminado si Erik Santos na nakaramdam siya ng lungkot sa pag-alis ng mga kaibigan.

Aminadong kahit siya ay nakatanggap din ng mga alok dati na maglipat-bakod pero nanatili pa rin sa bakuran ng ABS-CBN, ayon sa Prince of Pop ay masaya siya sa Kapamilya Network at ito na ang pamilya niya sa simula pa lang.

Nagseselebra ng 10th year anniversary sa showbizness ngayong taon, kung saan magkakaroon ng major concert sa dara-ting na Oktubre at malaki ang posibilidad na gawin ito sa Araneta Coliseum, isang kakaibang show ang ibibigay ni Erik sa kanyang mga tagahanga at mga nagmamahal sa kanya. Kakaiba raw kaysa sa mga nauna na niyang nagawang shows.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING