Mas sinunod ang ina kaysa puso
Kylie Padilla, ayaw nang makipagbalikan kay Aljur Abrenica

ADVERTISING

<i>Mas sinunod ang ina kaysa puso</i><br> Kylie Padilla, ayaw nang makipagbalikan kay Aljur  Abrenica

Kylie-Padilla-Aljur-AbrenicaNATAWA AKO sa komento ni Joey de Leon sa Startalk sa balitang sinusuyo raw ngayon ni Aljur Abrenica si Kylie Padilla na magkabalikan sila.

Sabi ni Joey, hayaan na lang daw muna si Aljur kung nahihilig ito sa isda. Pero ang dinig ko naman, hindi naman daw talaga naging mag-on sina Aljur at Louise delos Reyes. Siguro laro-laro lang ‘yung sa kanila at naging close lang sila sa set ng Kambal Sirena. Kaya lang, bakit nakipag-break si Aljur kay Kylie.

Tapos nakikipagbalikan na ngayon? Pero dedma lang talaga si Kylie, at sinusunod nito ang payo ng Mommy niya na huwag nang makipagbalikan dahil gagawin lang daw uli ‘yan ni Aljur.

Siyempre mas alam ng Mommy niya ‘yan, kaya dapat niyang sundin!

ADVERTISING

Halata naman kasing in love pa rin si Kylie kay Aljur at inaamin naman talaga niya, pero pinipigilan nito dahil ayaw na raw niyang masaktan pa uli.

Ayan sayang naman at pinakawalan pa ni Aljur si Kylie na ang daming gustong ligawan ‘yan ha?!

 

NGAYONG ARAW na pala magsisimula ang The Half Sisters na tinatampukan nina Barbie Forteza, Thea Tolentino, Derrick Monasterio at Andre Paras.

Parang kakaiba ang kuwento nito, dahil nakakapagtaka bakit naging kambal sila pero magkaiba ang ama.

May clinical explanation sila riyan, kaya siguro subaybayan na lang natin.

Sabi ni Derrick, handa na raw siya sa mas mature na role at hindi ‘yung pa-cute lang na pambagets.

Kaya siguro nagpatubo ng bigote ‘yan para magmukha siyang mature.

Mukhang open naman itong anak ni Tina Monasterio sa mga daring roles, kaya ilang taon lang, puwede nang isabak ‘yan sa mga sexy roles.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING