Mas pinili ang pagbubuntis kaysa career Katrina Halili, kahanga-hanga kumpara sa iba!

ADVERTISING

Mas pinili ang pagbubuntis kaysa career Katrina Halili, kahanga-hanga kumpara sa iba!

Mas pinili ang pagbubuntis kaysa career Katrina Halili, kahanga-hanga kumpara sa iba!  OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng bonggang-bongang reyna ng chikka!

Si Aga Muhlach, may balak tumakbong congressman? Mukha namang walang alam sa Bicol at hindi marunong magsalita ng Bicol. Galit daw ang mga taga-Camarines Sur, kasi hindi naman siya nagpapakita sa Bicol, bigla na lang magpaparehistro sa Comelec sa Cam Sur.

Ano daw ‘yun? Gagamitin lang ang mga taga-Bicol dahil sa kanyang ambisyon o self interest? Siguro naman daw, hindi na sila papaloko porke’t artista at guwapo. Dapat kasi, kung may ambisyon siya sa mga taga-Bicol, noon pa man ay may alam tayong project or mga mission para sa mga taga-Bicol, para pagkatiwalaan siya ng kapwa-Bicolano.

Kaloka naman talaga! Hahaha! Siya na! Good luck na lang sa kanya!

ADVERTISING

 

ANOTHER CHIKKA naman itong bonggang-bongga eksenadora na talagang masasabi mong matapang niyang hinarap ang pagbubuntis niya.

Kaya lang, may mga nagchi-chikka sa mga likod natin na kaparazzi na parang sinasabi ni Kris Lawrence na parang hindi naman niya hinaharap ang mga issue. At take note, kung masasabi ni Katrina Halili na 3 months pregnant siya, keri lang.

Meron kasing nag-chikka sa akin na posible, dahil nu’ng December pa lang ay nagpakasal na itong dalawa sa Las Vegas. Kaloka, ‘di ba?

Kaya talagang bongga at mukhang pinagplanuhan. Nakakabilib ang mga kababaihang humaharap sa ganyang isyu, lalo na kapag nasa showbiz ka at may career ka na bigla mo na lang iiwan ang career mo. Hindi ‘yung itatago mo pa sa buong mundo na ikaw ay nagdadalang-tao para lang hindi ka masira, ‘di ba? Bongga kayo d’yan dahil kasal naman kayo at walang problema!

 

BLIND ITEM: Sino naman kaya ito? Maloloka ka talaga sa Earth na isang TV host at sikat din at masasabi mo nga raw ay mayaman na. Kaloka! Kasi doble kara ang taong ito at marami ang nagsasabing viewers na ang bilis daw magpalit ng personality.

Kaloka naman talaga siya, on air daw ay masiglang-masigla siya at akala mo ay ubod ng bait. Pero nu’ng nag-off air ay biglang nawarla sa mga staff niya at nagsisigaw.

Nakita ng mga nanood nang live. Kaloka naman, ‘di ba? Kung ako sa kanya magpakatotoo na lang siya?? Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING