Mas masahol pa raw sa hayop
ang pumapasok
sa same-sex union

Manny Pacquiao, bugbog-sarado
sa kina Vice Ganda, Aiza Seguerra, at iba pa

ADVERTISING

Mas masahol pa raw sa hayop ang pumapasok sa same-sex union - Manny Pacquiao, bugbog-sarado sa kina Vice Ganda, Aiza Seguerra, at iba pa Mas masahol pa raw sa hayop ang pumapasok sa same-sex union - Manny Pacquiao, bugbog-sarado sa kina Vice Ganda, Aiza Seguerra, at iba pa Mas masahol pa raw sa hayop ang pumapasok sa same-sex union - Manny Pacquiao, bugbog-sarado sa kina Vice Ganda, Aiza Seguerra, at iba pa Knock-out ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa birada ng ilang celebrities at mga miyembro ng LGBT community matapos na lumabas kamakailan lang ang isang video interview sa Sarangani congressman, kung saan ihinayag ni Manny ang kanyang saloobin kaugnay sa pagsasama ng parehong kasarian.

Inilabas ng mga celebrities ang kanilang pagkadismaya sa social media kaugnay ng pahayag ni Manny sa interview sa kanya ng “Bilang Pilipino”.

ADVERTISING

Ani Manny, patungkol sa pagtatalik ng mga hayop, “common sense” umano sa mga hayop na maghanap ng kapareha sa opposite sex. Dahil umano dito, sa tingin niya, ang pagsasama ng parehong kasarian ay mas masahol pa sa hayop.

Sa birado ni Vice Ganda kay Manny, aniya sa kanyang Twitter, “The LGBT is a group of people. We are humans. But not animals. Though we’re no saints we will pray for Manny Pacquiao.”

“May mga taong nakaattend lng ng prayer meeting at nakapagbasa lng ng bibliya higit pa sa Diyos ang turing sa sarili nila kung makapanghusga,” dagdag pa ng host ng “It’s Showtime”.

ADVERTISING

Hindi rin napigilan ni Aiza Seguerra na maglabas ng kanyang pagkadismaya sa kanyang post sa Instagram. Sa kanyang post, “I am so f-ck-n’ mad I don’t know what to say. You might’ve done our country proud but with your statement, you just showed the whole country why we shouldn’t vote for you. And yes, I think you are an ignorant, bigoted hypocrite. You made me lose all respect that I had for you, Mr Pacquiao.”

Dagdag pa ni Aiza sa caption ng naturang post: “Ang kailangan ng bansang ito ay mga taong nag-iisip. Utang na loob, kilalanin ninyo ang iboboto ninyo.”

Ipinost naman ni Liza Diño, asawa ni Aiza, sa kanyan Facebook page ang video interview kay Manny. Ani Liza sa kanyang post, “Naalog na yata dahil sa mga suntok ang ulo ni manny pacquiao! Tsk tsk. You just lost half of HUMANITY dahil sa kahayupan ng sagot mo…

“Nakakalungkot…”

Nanawagan naman si Jonh Lapus sa mga kababayan at mga kasama sa LGBT community na huwag iboto si Manny sa darating na eleksiyon. Aniya, “I beg you my dear fellow filipinos and ofcourse my fellow LGBT family. Pls dont vote Manny Pacquio. Hayop ang tingin nya sa atin. Ty. #MightAsWell #MannyBobo”

Tumatakbong senador si Manny sa darating na eleksiyon sa Mayo.

Samantala, nag-post din sa kanyang Instagram ang boksingerong kongresista ng Bible verse bilang depensa. Aniya, “I rather obey the Lord’s command than obeying the desires of the flesh. I’m not condemning anyone, but I’m just telling the truth of what the Bible says. The truth from the Bible is what changed me from my old ways. 1 Corinthians 6:9

“[9] Or you do not know that wrongdoers will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor men who have sex with men.”

“God Bless everyone I love you all.”

By Parazzi Boy

ADVERTISING