Mas importante ang career kaysa babae
Daniel Padilla, hindi priority si Kathryn Bernardo

<i>Mas importante ang career kaysa babae</i><br> Daniel Padilla, hindi priority si Kathryn Bernardo

Daniel-Padilla Daniel-Padilla-Kathryn-BernardoTINIYAK NI Rommel Padilla na hindi makabubuntis ang kanyang ank na si Daniel Padilla sa panahong ito na kanyang kasikatan. Nasabi kasi ito ni Rommel dahil sa mga ispekulasyon na baka matulad sa kanya ang anak na nakabuntis sa gitna ng kanyang kasikatan noon sa action films.

Sa kasikatan raw kasi ngayon at super close pa ito sa ka-loveteam na si Kathryn Bernardo, may pressure daw sa dalawa na maging sweet at mauwi sa totohanan ang kanilang sweetness at mauwi sa pagbubuntis.

Lagi naman daw pinangangaralan ni Rommel ang anak na si Daniel na huwag sayangin ang magandang pagkakataon na dumarating sa buhay ngayon.

Pabor naman si Rommel kay Kathryn para kaya Daniel dahil nakikita niya ang kanyang anak na masaya kapag kasama ang dalaga. Pero may bilin siya kay Daniel na huwag magpakaseryoso sa lovelife para hindi ito maging sagabal sa kanyang pag-aartista.

Hindi maipangako ni Rommel na tutuparin ng anak ang mga payo niya dahil may sariling isip na si Daniel. Sa tingin naman daw niya, mukhang mas importante sa anak ang career kaysa babae.

Super proud nga si Rommel sa kasikatang tinatamasa ni Daniel at hanga ito sa ipinakikitang pagmamahal nito sa mga kapatid. Matatapos na ang bahay na ipinatayo ni Daniel na may kanyang-kanyang kuwarto ang kanyang mga kapatid. At ibinili na rin nito ng kanyang-kanyang kotse ang mga kapatid.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo