Mas gustong makasama si Angel Locsin sa movie John Lloyd Cruz, gumaganti kay Sarah Geronimo?

ADVERTISING

Mas gustong makasama si Angel Locsin sa movie John Lloyd Cruz, gumaganti kay Sarah Geronimo?

Mas gustong makasama si Angel Locsin sa movie John Lloyd Cruz, gumaganti kay Sarah Geronimo?

PAGKATAPOS NG ILANG buwang pamamahinga sa paglabas sa teleserye at pelikula, muli na namang haharapin ni John Lloyd Cruz ang kanyang trabaho. Pahinga muna siya sa paggawa ng teleserye, dahil ang mas malinaw na mauuna niyang gawin ay ang isang pelikula sa Star Cinema. Ngayon pa nga lang ay iniintriga na si Lloydie na diumano’y ginagantihan niya si Sarah Geronimo, kaya mas pina-boran niyang unahin ang pelikulang pagtatambalan nila ni Angel Locsin.

Nagmukha kasing tinanggihan noon si John Lloyd na makapareha ni Sarah sa pangatlong pagkakataon, dahil parehong tumipak ang unang dalawang pelikula ng kanilang tambalan. Nang kumalat ang tungkol sa nasabing plano, nanggaling sa kampo ng pop princess ang pagtanggi. Kaya si Lloydie ay walang nasabi kundi: “Sa akin ay walang problema. Pero mahirap matuloy ang isang project kung may isa sa aming dalawa ang parang umaayaw.”

Depensa ni John Lloyd, artista lang siya. Star Cinema raw ang nakakaalam kung anong project ang mauuna niyang simulan. Anumang intriga raw ang pinagdaanan nila ni Sarah, gusto na rin niyang magkatambal sila ulit. Pagkatapos ng tambalan nila sa Imortal, gusto niya ulit makapareha si Angel sa pelikula naman, habang miss na miss na rin daw niyang makatrabaho ulit ang original niyang ka-loveteam na si Bea Alonzo.

ADVERTISING

 

KUNG NAGPATALO SI Julia Montes at pinanghinaan siya ng loob noon na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career, baka ibang ba-gets star ang nasa posisyon niya ngayon. Ang daming paghihirap pala ang kanyang dinaanan nu’ng medyo dalagita na siya at mawala na siya sa programang Goin’ Bulilit, dahil hindi na nga siya Nene para bumagay sa comedy show na pinagbibidahan ng mga bulilit. Kapag dalagita at binatilyo na kasi ay pinapa-graduate na sa show na iyon.

“Noon kasi, sabi nila, hindi na raw ako bata, pero hindi pa naman dalaga, kaya mahirap hanapan ng project. Hindi naman po kami mayaman. Laging hirap ako noon sa pamasahe sa pagpunta-punta sa pagpapa-VTR para sa commercial at kung anu-ano pang para sa showbiz. Nu’ng  parang walang nangyayari, umiyak na ako at parang gusto ko nang mag-give up,” wika ni Julia.

Pero hilig talaga ni Julia na mag-artista kaya nagpatuloy sa showbiz. Kumpara sa kaibigan niyang si Kathryn Bernardo na nakasama niya sa teleseryeng Mara Clara, mas kumpletong pormang dalaga na siya, dahil seksi na siya, kaya lalong kapansin-pansin, at mahusay rin siyang umarte. Ngayon, bida na rin siya sa pelikulang Way Back Home ng Star Cinema.  “Ngayon ko nararamdaman ang tuwa at kaba, na may pelikula na akong ipapalabas,” kuwento ng su-misikat na young actress.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY sa minamahal naming lahat na si Manay Ethel Ramos. Close ako sa sister niyang si Tita Len Llanes, kaya nalalapitan ko na ngayon si Manay Ethel. Nakakalungkot, dahil nitong huli ko lang nalaman ang kabutihan ng puso ni Manay. Nu’ng baguhan pa lang ako sa pagsusulat, ilang manunulat ang lagi kong nadidinig na nagsasalita ng hindi magaganda tungkol kay Manay, na ang dating ay bitter sila, dahil hindi sila naiimbita-han sa presscon.

Unti-unti kong na-appreciate ang pagkatao ni Manay Ethel, dahil sa closeness namin ni Tita Len. Hindi kailangang ipagmakaingay, pero si Manay pala ay isang ulirang kapatid. Mas marami ‘yung napatunayan kong totoong kabutihan ni Manay, kesa sa mga paninira lang ng mga taong naiinggit sa kanya. Kaya ang taas na ng respeto ko sa kanya.

Happy birthday, Manay!

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING