Mas gustong isikreto ‘pag may problema
Judy Ann Santos, aminadong ‘di kasing tapang ng iba

ADVERTISING

<i>Mas gustong isikreto ‘pag may problema</i><br>Judy Ann Santos, aminadong ‘di kasing tapang ng iba

<i>Mas gustong isikreto ‘pag may problema</i><br>Judy Ann Santos, aminadong ‘di kasing tapang ng ibaSA SOLO presscon ni Judy Ann Santos para sa pinagbibidahang serye, ang Huwag Ka Lang Mawawala na mapapanood sa darating na June 17 sa ABS-CBN, agad na muling klinaro ng aktres na wala silang problema ng asawang si Ryan Agoncillo at pinagtatawanan na lang nila ang isyu na nagsampa siya ng annulment case para mapawalang-bisa ang kasal nilang dalawa.

ADVERTISING

Tinanong si Juday kung gaano ba kahalaga para sa kanya ang loyalty at fidelity sa isang relasyon, ayon sa aktres ay mahalaga ito dahil ‘pag nasira ang tiwala ay mahirap nang maibalik pa at lagi nang may bahid ng pagdududa.

Natunugan agad na ang tatakbuhin ng tanong na ito ay tungkol sa loyalty sa kanya ng asawa, agad na sinabi ni Juday na malabo iyong gawin ni Ryan. Depensa ng aktres sa asawa, wala itong record na ginawa sa kahit na sinong girlfriend niya, bukod pa sa honest na tao ang asawa na bago pa man niya ito mahuli, malamang ay umamin na ito sa kanya.

Tinanong din kung tulad ba ng ibang artista, aamin din sa publiko sa sandaling magkaroon ng problema ang pagsasama nilang mag-asawa, nagbigay-pahayag ang aktres na alam naman ng tao na masikreto siyang tao. Hindi naman sa nagdadamot, pero naniniwala siya na ang mga bagay na nangyayari sa likod ng kamera ay mas madaling nareresolba ‘pag inaayos din ito sa likod ng kamera.

ADVERTISING

Nirerespeto ang mga artistang ginagawa ang magpa-interview ‘pag may mga problemang kinahaharap ang mga ito, para sa aktres ay nangangahulugan lamang ito na may sapat na tapang ang mga ito para ipagtapat sa publiko ang mga kaganapan sa buhay nila at siya ay hindi kasing-tapang ng iba.

Nagbabalik-serye sa nasabing soap opera, kung saan kinikilala si Juday bilang Reyna ng Teleserye, aminadong nanganganay siya nu’ng unang sabak niyang muli sa kamera, at nagtatanong siya sa kanilang direktor kung naitatawid naman niya ang hinihingi ng kanyang role. Pero kalaunan ay bumabalik naman ang kanyang kumpiyansa at tiwala sa sarili.

<i>Mas gustong isikreto ‘pag may problema</i><br>Judy Ann Santos, aminadong ‘di kasing tapang ng iba

SA INTERVIEW namin kay Piolo Pascual tungkol sa naging karanasan niya sa Cannes International Film Festival, kung saan napabilang ang pinagbidahang pelikula na On The Job para sa Director’s Fortnight, masayang ikinuwento ng aktor na naluha siya sa nakita niyang mainit na pagtanggap ng tao sa kanilang pelikula.

Huling araw ng festival pero puno pa rin ang mga sinehan. Ang sobrang naka-touch sa aktor, pagkatapos ng pelikula at ipinapakita na ang credits, ‘di pa rin umalis ang mga tao, nagpalakpakan at nagbigay ng standing ovation para sa kanila. Ang hiling ng aktor ay hindi lang ito maging eye-opener, kundi magbukas din ng daan para sa iba pang mga pelikulang Pilipino na maipadala du’n at makita ng iba na de-kalidad at puwedeng ilaban.

Ipalalabas naman ang On The Job sa bansa sa darating na Hulyo.

Masaya rin sa mataas na ratings at mainit na pagtanggap ng publiko sa seryeng Apoy sa Dagat, aminado naman si Piolo na mahirap at mabibigat ang mga eksena at konsolasyon para sa kanila ang magandang feedbacks dito ng tao.

Hiningan namin ng reaksyon sa balitang panunugod ni John Lloyd Cruz sa set ng serye nang tamaan daw ni Diether Ocampo si Angelica Panganiban ng vase sa isang eksena, ayaw namang magbigay ng anumang komento tungkol dito si Piolo. Wala raw siya nang mangyari iyon, bukod pa sa sensitibo ang isyu.

Para lang kay Piolo, magkakapatid sila sa Star Magic at walang bagay na ‘di nareresolba sa isang maayos na pag-uusap.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING