MAS BUMONGGA ANG KARIR: Marco Gumabao, hindi nagsisisi sa paglipat sa Viva

ADVERTISING

MAS BUMONGGA ANG KARIR: Marco Gumabao, hindi nagsisisi sa paglipat sa Viva

MAS BUMONGGA ANG KARIR: Marco Gumabao, hindi nagsisisi sa paglipat sa Viva
Marco Gumabao

KAHIT sinong male celebrity, pangarap nila na makatrabho ang always beautiful na si Anne Curtis.

Si Marco Gumabao, isa siya sa mga nangarap na makatrabaho ang ever lovable na si Anne.

Kaya when he moved to Viva Artists Management from being a Kapamilya star with Star Magic (ABS-CBN’s talent management group) managing his career, medyo kabado pa ang binata noon kung ano ang magiging kahihinatnan ng showiz career ng niya.

Hindi makapaniwala si Marco na tinagurian siyang “Most Important Male Actor” ng Viva Films in 2019  dahil sa kaliwa’t kanan niyang mga projects.

ADVERTISING

Sa katunayan, bago pa man siya napiling leading man ni Anne Curtis sa pelikulang Aurora na official entry para sa Metro Manila Film Festival 2018 na produced ng Viva Filmsat Aluid Entertainment, isa si Marco sa mga male stars and actor natin na nangangarap na makasama si Anne sa pelikula.

Malaki ang pasasalamat ni Marco sa bago niyang management company dahil sa mga pagkakataon tulad ng project niya with Anne na isang sought-after leading lady sa pelikula at telebisyon na kahit sinong lalaking artista won’t say no for an Anne Curtis project.

MAS BUMONGGA ANG KARIR: Marco Gumabao, hindi nagsisisi sa paglipat sa Viva
Marco Gumabao and Anne Curtis

“Thankful ako sa Viva because they’re showing me na hindi ako nagkamali na lumipat sa kanila,” kuwento niya.

Sa pelikulang horror ni Direk Yam Laranas, he plays Anne’s boyfriend na isang mangingisda.

Sayang lang na sa darating na Sunday, December 23 para sa MMFF Parade of Stars ay hindi nakakasama ang binata dahil naka-schedule siya dalawin ang ama na nakakulong na si Dennis Roldan sa piitan.

           

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING