Marvin Agustin, walang mataandaan sa nakaraan nila ni Jolina Magdangal

ADVERTISING

Marvin Agustin, walang mataandaan sa nakaraan nila ni Jolina Magdangal

Marvin-Agustin- Jolina-MagdangalACTIVE NA naman ang mga fans nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa muling balik-tambalan nila sa seryeng Flordeliza ng ABS-CBN. Kapamilya na ulit ang dalawa matapos pumirma ng kontrata sa nasabing network. Labis ngang ikinatutuwa ni Direk Wenn Deramas na makakatrabaho niya muli sina Marvin at Jolina sa bago nitong soap. Ang box-office director ang nag-direk ng huling pelikula nilang dalawa under Star Cinema.

Nang mag-guest sina Marvin at Jolina sa show ni Vice-Ganda para mag-promote ng kanilang show, naging vocal sila sa feeling nila sa isa’t isa. Palibhasa may kani-kanila na silang buhay at tapos na ‘yun. Natatawa na lang nilang pinag-uusapan ang nakaraan. Nagpakatotoo sila sa harap ni Vice at sa viewing public. Inamin ni Jolina na gusto niya si Marvin. Pero hindi raw niya naramdaman na naging sila ng actor kahit sinabi niya rito, ‘I love you’ nang bigyan siya ng flowers noon ni Marvin. Walang reaction or dialogue daw ang actor/businessman nang sabihin niya ito.

Sabi ni Marvin kay Jolina, “Wala akong matandaan na sinabi mo ‘yun sa akin. Siyempre, kung narinig kong sinabi mong I love you, sasagot ako na I love you, too.” Nag-flashback si Jolina para maalala ni Marvin. “Nasa van tayo noon at nakikinig ng music nang mga sandaling ‘yun,” pagbabalik-tanaw ni Jolina. Wala pa ring maalala ang binata. Para ngang may something sila noon, biruan, tawanan na lalong ikinakilig ng mga fans sa loob ng studio. Maging si Vice ay super aliw sa pag-i-interview kina Marvin at Jolina.

Kung mayroon mang mutual understanding sina Marvin at Jolina noon, hindi nagtagal ang kanilang friendship. Lumipat ang singer-actress sa GMA-7 kaya’t naputol ang kanilang communication. Kasikatan pa naman ni Jolina nang lisanin niya ang Kapamilya Network. Ang mahalaga ngayon, nagbalik sila sa dati nilang home studio. This time, never na kaya nilangh lilisanin ang ABS-CBN na nagbigay sa kanila ng break para maging sikat na artista?

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING